^

Pang Movies

OA ang pagiging manlalait magandang aktres pina-ban sa sosyal na boutique

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi makalimutan ng may-ari ng isang sosyal na boutique na ito sa may BGC ang aktres na hindi nila akalain na saksakan ng sama ng ugali sa personal.

Nawala ang paghanga ng may-ari ng boutique sa aktres dahil sa likod pala ng magandang mukha nito ay isang mala-halimaw na pag-uugali kaya pina-ban niya ito sa kanyang boutique.

By appointment kasi ang pagpunta ng mga customer sa naturang boutique para magsukat ng mga designer clothes. Dahil kilala ng boutique owner ang isa sa glam team ng aktres, pinayagan niyang magsukat ito kahit na biglaan at walang appointment.

Ang nakakalokah daw sa ugali ng aktres ay habang nagsusukat daw ito ay naririnig nilang pinipintasan pa ang mga damit. Pati raw fitting room ay pinipintasan dahil masyado raw maliit.

Hindi rin makapaniwala ang may-ari sa mga bastos na salitang lumalabas sa bibig ng aktres na ito. 

“Na-turn off talaga ako. Kasi ang bastos ng bibig niya. Mahilig pang magmura. Naawa ako doon sa isang kasamahan nila na kung sigawan niya sa harap ng maraming tao at tinatawag niyang tanga at bobo.

“Hindi yata niya alam na sa boutique ko namimili ang ilang mga sosyal na celebrities dahil may supplier ako ng mga damit na galing pang Paris, Milan at New York.

“Hindi nga niya kayang ma-pronounce ‘yung isang damit na sinukat niya. Tapos kung makapintas parang akala mo naman all her life nakapagsuot siya ng designer clothes,” sey pa ng may-ari ng boutique.

Nakapili naman ng limang damit ang aktres pero dahil sa inis ng may-ari ay hindi niya ito binigyan ng discount. 

“Nagpapanggap siyang yamanin siya, ‘di ba? Kaya walang akong binigay na discount sa kanya kahit na last season pa ang mga napili niyang mga damit. Obvious din na hindi siya up to date sa mga bagong styles,” sabay tawa ng boutique owner.

Nagbilin din ang boutique owner sa mga tauhan niya na hindi na welcome ang aktres sa kanyang boutique.

Boobay masaya sa relasyon nila Juancho at Joyce

Masayang-masaya ang Kapuso comedian na si Boobay dahil sa balitang nagkakamabutihan na ang mga co-host niya sa Unang Hirit na sina Juancho Trivino at Joyce Pring.

Noong panahon na ‘di nakakapag-UH si Boobay, si Joyce ang binigay na partner kay Juancho at nag-click ang dalawa. Ngayon ay may ligawan na ngang nagaganap.

Magiging abala na ng husto si Boobay dahil simula sa January 27 ay eere na sa GMA-7 ang The Boobay and Tekla Show kung saan kasama niya si Super Tekla.

“Fun, fun, fun lang tayong lahat sa show namin,” pagtapos pa ni Boobay na ang magiging guests sa pilot episode ng TBATS ay sina Jessica Soho, Gladys Reyes at Derrick Monasterio.

Iron man umaming compulsive masturbator

Nag-share si Cameron Diaz na ang sikreto ng kanyang youthful glow ay dahil sa bonggang sex life niya.

“I guess it’s exercise, a healthy diet, lots of water, lots of laughter, lots of sex. Yes, sex! We need that as human beings. It’s healthy, it’s natural, it’s what we are here to do!”

Hindi naman nahiyang aminin ng Iron Man star na si Robert Downey Jr.

na isa siyang compulsive masturbator.

“I was a compulsive, serial masturbator. But it was the best thing I could have been. I utilized that organ and rode it for everything it was worth.”

Nagkuwento naman si George Clooney  tungkol sa unang orgasm niya sa edad na 7 years old.

“I believe it was while climbing a rope when I was 6 or 7 years old. I mean, nothing came out, but all the other elements were there. I remember getting to the top of the rope, hanging off the rope, and going, ‘Oh, my God, this feels great!’”

Ang mga kuwentong ito ay lumabas sa isang interview sa US magazine.

vuukle comment

OA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with