Trina Candaza
GF ni Carlo sumagot sa patutsada ni Angelica
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Na-bash ng maraming netizens ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino dahil sa biglang paglitaw ng nababalitang girlfriend nito na si Trina Candaza.

Dahil dito ay nagkagulo ang CarGel fans nila nila ng aktres na si Angelica Panganiban. At dito na ulit nagsimulang mag-emote si Angelica sa social media dahil muling nawasak ang puso nito dahil sa biglang pag-eksena ni Trina.

Biglang nagkaroon ng bashers at haters si Trina dahil sa pangyayaring ito at pinaratangan na isang manloloko at manggagamit si Carlo ng ilang netizens na followers ni Angelica.

Nag-post si Trina sa kanyang social media a­ccount patungkol sa nagaganap na issue.

“I just really felt the love of the people around me, thank you, I really appreciate everything. It just makes me feel better everyday knowing that I’m being surrounded with good people too.”

Tahimik pa rin si Carlo tungkol sa issue na ito at hinihintay ng maraming netizens ang kanyang paliwanag kung sino nga ba si Trina sa buhay niya at kung niloko at pinasakay lang niya si Angelica.

Mag-asawang Ariel at Gelli, 22 years hindi nagsama sa pelikula!

Inabot ng 22 years bago muling nagsama sa isang pelikula ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen.

Una’t huling pelikula na ginawa nila together ay noong 1997 pa na Ikaw Pala Ang Mahal Ko na produced ng Star Cinema at dinirek ni Jose Javier Reyes. Hindi pa mag-asawa sina Ariel at Gelli noon at wala pa silang mga anak.

Ngayon ay muli silang nagsama sa Ang Sikreto Ng Piso na produced ng MPJ Entertainment Productions and JPP Dreamworld Productions at mula sa direksyon ni Perry Escaño.

Ayon kay Gelli ay hindi naman daw nila sinadya ni Ariel na hindi magsama sa isang pelikula. Nataon lang na hindi sila nagkakasama sa iisang TV network kaya magkahiwalay ang mga ginagawa nila.

“Pero sa totoo lang, nakaramdam ako ng something weird noong magkaeksena na kami sa movie. Dahil siguro sa tagal naming hindi lumabas sa isang project together, kahit na lagi kaming magkasama sa bahay, iba pa rin pala ang feeling. Weird na hindi mo ma-explain,” sey ni Gelli.

Tinanggap nga raw ni Ariel ang project dahil never pa raw siya nakagawa ng comedy, sa TV man o sa pelikula.

“I’ve been looking for a project that’s light and easy because I’m always given heavy drama or romantic roles.  This is a good change for me and I e­njoyed it.

“It’s a whole new territory for me and okey naman lahat. I learned a lot from our co-stars na sina Lou Veloso, Beverly Salviejo. Long Mejia and the rest,” ngiti pa ni Ariel.

Ang Sikreto Ng Piso will have a premiere night on January 27 (Sunday), 7PM in SM Megamall Cinema 7.

There will also be Meet and Greet on its opening day on January 30 (Wednesday) – 1pm in SM North Edsa, 4pm in SM Manila, 7pm and 9:30 pm in SM Mall of Asia.

Lady Gaga iniyakan ang nominations sa Oscars!

Nakatulugan ni Lady Gaga ang pag-announce ng nominations para sa 91st Academy Award or the Oscars. Noong magising siya three hours after na ma-announce ang nominees, naiyak sa tuwa si Gaga dahil nakakuha siya ng dalawang nominations for best actress at best original song para sa pelikula n­iyang A Star Is Born.

“I’ve been trying to get some sleep because I’m on showbiz time. I woke up around 8:30 and I didn’t know anything about it. The first call was from my manager, who broke the good news and I just burst into tears,” sey pa ni Gaga na kasalukuyang nasa Las Vegas dahil sa kanyang residency show doon.

First Oscar nomination ito ni Gaga for best actress at nakakalaban niya sa naturang category ay sina Yalitza Aparicio (Roma); Glenn Close (The Wife); Olivia Colman (The Favourite); Lady Gaga (A Star Is Born) and Melissa McCarthy (Can You Ever Forgive Me?). First nomination din ni Gaga for best original song for Shallow na duet nila ng leading man at director niya sa A Star Is Born na si Bradley Cooper.

Nakatanggap ng sunud-sunod na congratulation messages si Gaga mula sa kanyang pamilya, kaibigan at ibang pang katrabaho sa industry.

TRINA CANDAZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with