^

Pang Movies

Aktres na nagpa-retoke, nag-mature ang hitsura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga nakapansin sa pagbabago sa mukha ng aktres na dati nang maganda pero hindi yata satisfied sa kanyang physical appearance.

Naghinala ang mga intrigera na may ipinaturok sa mukha ang aktres kaya tumambok ang mga pisngi nito.

Pero imbes na gumanda, kabaligtaran ang nangyari dahil nag-mature ang hitsura ng aktres.

Para patunayan na hindi sila namamalik-mata, naghanap ang mga intrigera ng before and after pictures ng aktres. Voila, confirmed na may nag-iba sa face ng aktres na nawala ang natural beauty dahil  sa experiment na ginawa niya.

Nanette tuloy ang pagiging philantropist

Belated happy birthday kay Nanette Medved-Po na nag-celebrate ng 48th birthday noong Lunes, January 21.

Maligayang-maligaya si Nanette dahil sa mga sorpresa na inihanda ng household staff niya.

Tuwang-tuwa si Nanette sa cake na ibini­gay ng staff na may picture niya bilang Darna, ang karakter na kanyang ginampanan noong 1991.

Retired na si Nanette sa showbiz pero nababasa pa rin natin sa mga diyaryo ang activities niya bilang philantrophist.

Ang pagpapatayo ng mga classroom sa mga probinsya ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Nanette. Ang kinikita ng Hope in a Bottle na project ni Nanette ang ginagamit sa construction ng mga classroom.

Mabibili sa mga coffee shop at mga supermarket ang bottled water na Hope ang brand at li­teral na nagbibigay ng pag-asa sa lahat, lalo na sa mga mag-aaral.

Kahit hindi nagtagal si Na­nette sa showbiz, isa siya sa mga pinaka-successful actress dahil na­­ra­nasan niya na magbida sa mga pelikula at manalo ng mga acting award.

Higit sa lahat, tagumpay siya bilang may-bahay at ina ng dalawang anak nila ni Chris Po. Sa true lang, star material ang panganay nina Nanette at Chris pero malabong-malabo na pumasok sa showbiz ang bagets na top priority ang pag-aaral.

Hindi na active si Nanette sa showbiz pero may mga inquiry pa rin sa kanya para sa mga product endorsement na tinatanggihan niya dahil happy na siya bilang ina, asawa at philan­trophist.

BFF ni Nanette si Eric Quizon na nag-celebrate naman ng 52nd birthday noong January 20.

Magkasunod ang mga birthday nina Nanette at Eric kaya hindi nakapagtataka na super close sila.

Dumalo si Eric sa kasal nina Nanette at Chris na ginanap noon sa South Africa. Ninong din si Eric ng eldest son ng Po couple.

At dahil BFF sila, alam nina Nanette at Eric ang mga sikreto ng bawat isa. Minsan ko nang napatunayan ang pagmamahal ni Nanette kay Eric na ipinagtanggol niya laban sa isang kontrobersyal na isyu.

Bahay ni Manny may inventory sa ginawa ng magnanakaw

Ang tiyahin ni Papa Manny Pacquiao ang caretaker ng bahay nila ni Mama Jinkee Pac­quiao sa Los Angeles, California na pinasok ng mga magnanakaw habang nakikipagbakbakan siya kay Adrien Broner sa MGM Grand, Las Vegas.

Hindi pa lumalabas ang kumpletong resulta ng imbestigasyon pero may mga report na ang kuwarto ni Papa Manny ang pinasok ng magnanakaw pero wala raw itong natangay na mga mamahalin na gamit.

Anyway, may imbentaryo na naganap sa bahay ng mga Pacquiao para makatiyak sila na walang valuables na nakuha ang kriminal na inaasahan na makikilala ang pagkatao.

vuukle comment

JINKEE PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with