Lani Mercado-Revilla
Mayor Lani nakipagtulungan sa mga Korean para sa trabahong ibibigay sa mga jobless!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Kamakailan lang ay kasama ko ang ilang Koreans na magpunta sa napakaganda at malaking Bacoor City Hall sa office ng Mayor na si Madam Lani Mercado-Revilla.

Shocked ako sa kagandahan ni Mayor Lani nang humarap sa mga bisita. Nagpunta ang representative ng Korean government, ang Yangtze, para sa isang napakaganda at kapaki-pakinabang na proposal para sa mga jobless citizen.

Ang role ko naman ay ipakilala ang handsome guys ng Korea sa beautiful Lady Mayor ng Bacoor City. Nakilala ko naman sila thru Joey Coquia na siyang in between sa paghahanap ng bayan na aalukin ng kanilang paghahanap ng mga jobless Pinoy upang mabigyan ng magandang trabaho sa Korea. Ako naman ang nagrekomenda na ang piliin nila ay ang bayan ng Bacoor Cavite at sa Sta. Rosa Laguna local govenment, kay Mayor Dan Fernandez.

Tapos na ang pakikipag-usap kay Mayor Dan Fernandez at okay na ang lahat, si Mayor Lani na lang ang hinihintay at pag okay na rin sa kanya, magkakaroon na ng contract signing at saka pa lang magkakaroon ng katuparan na mabigyan ng three months training ang mga ipapadalang Pinoy sa Korea. ‘Di naman nagtagal ay napapayag na rin sa pirmahan ang butihing Mayor ng Cavite.

Ang nasabing training ay may kinalaman sa farming, may suweldo na rin sila.

Sa kabila ng hectic schedule ni Mayor Lani, nai­singit niya pa rin kami para makapanayam. Thanks to Ramsen!

Maganda ang pagtanggap nila sa amin. Habang wala pa noon si Mayor Lani, humarap sa amin ang dalawang assistants niya na may kaalaman sa mga gawain na inihahain namin plus ang legal head ng Mayor’s Office.

There after ng ilang usapan, meryenda, at saka dumating si Mayor Lani.

Matagal din ang pag-uusap pero very satisfied kami lalung-lalo na ang mga handsome Koreans. Now I know, napakagaling magsalita ni Mayor Lani at fluent sa english. Nganga ang mga Koreano.

Personal...

Hindi ako maka-contact sa circulation head ng PM (Pang-Masa) sasabihin ko lang sana kung wala ba silang balak maglagay ng outlet dito sa Sta. Rosa Laguna ng PM at PSN (Pilipino Star NGAYON), most specially ang PM, dahil mas in demand dito, lalo na sa mga estudyante. Dati kasi, mayroon sa MiniStop, sa 7-Eleven pero ngayon waley na!

Sa palengke ang hinaing nila ay dalawang kopya lang, at take note PM po ang palaging ubos lagi! At dahil sa PM ay muntik na akong matsugi, sa kagustuhan kong makabili ng kopya, nakaladkad ako ng jeep na nasakyan ko, at pag nag-tricycle naman ako 80 pesos ang bayad samantang ang bibilhin ko lang naman ay PM na halagang 10pesos lang.

May bagong bukas na 7-Eleven dito sa southdrive sa may Bgy. Dila na nakaharap sa highway, at ang sabi, ang dami raw naghahanap ng PM at PSN, wala ba kayong balak na magpa-put up sa kanilang newspaper rack? Salamat po!

Samantala, mas marami naman ang naniniwala lalo na ang mga mahihirap na kapatid, na kung sakaling tatakbo as senador si PAO chairwoman Persida Acosta, tiyak daw marami ang magagawa at marami ang matutulungan ng Chief of PAO. Well, malapit na kasi ang local election sa May 2019. Pero kayo pa rin po ang nakakaalam kung sino ang nararapat iboto.

God bless us all!

 

LANI MERCADO-REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with