Angelica
Angelica nagpapatulong sa pagmu-move on!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Balik na naman sa pag-e-emote si Angelica Panganiban sa social media at tungkol na naman ito sa hindi magandang nangyayari sa kanyang personal na buhay.

“Kapag natapos na ang Playhouse. Puwede bang suportahan niyo ko sa pagmu-move on?” tweet pa ni Angelica kamakailan.

Lumabas ang tweet na ito ng aktres nang lumabas ang mga photo ni Carlo Aquino kasama ang nababalitang girlfriend niya na isang model na nagngangalang Trina Candaza.

May pahabol pang tweet si Angelica na may kinalaman kay Carlo: “Sa tatlong naka relasyon ko, sure akong dito ko matatagalan maka move on.”

Naging very open din si Angelica sa dalawa pang nakarelasyon niya noon na sina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz. Parehong medyo nahirapan ang aktres na maka-move on sa dalawang ito. 

Noong nakaraang taon lang nagkaroon ng balikan ang tambalan nila Angelica at Carlo dahil sa ginawa nilang pelikulang Exes Baggage.

Nabuhay ang CarGel loveteam at sinama sa cast ng Playhouse si Carlo.

Pero mukhang hindi happy ang magiging ending ng CarGel loveteam dahil muling heartbroken na naman si Angelica.

Boobay at dyowa ayaw pang pakasal

Seven years na ang relasyon ni Boobay sa kanyang boyfriend na si Kent Juan Resquir pero wala pa raw silang balak na magpakasal kahit na legal na gay couples ang magpakasal sa ibang bansa.

Rason ni Boobay ay marami pa raw silang kailangan gawin bago nila isipin ang mag-settle down.

“Napag-uusapan na namin ‘yan noon pa, pero hindi naging priority. Unang-una, may work kaming pareho. Ako nandito sa Pilipinas, siya naman nasa Australia nagtatrabaho as a physiotherapist.

“Uuwi siya on Valentines Day, pero one week lang siya rito at balik siya agad sa Australia.

“Gano’n ang takbo ng buhay naming dalawa at okey naman. Para rin naman sa future naming dalawa at sa anak namin ‘yung magtrabaho kami,” diin pa ni Boobay.

Si Kent ang nag-alaga kay Boobay nang ma-mild stroke ito noong 2016. Hindi nito iniwan si Boobay hanggang sa gumaling ito at makabalik sa kanyang trabaho.

“Savior ko si Kent kaya mas lalo ko siyang minahal sa ginawa niya sa akin noong panahon na akala ko ay katapusan ko na.

“Kaya every time na nagkakausap kami, pinapaalahanan niya ako na magpahinga, huwag masyadong magpagod at uminom ng gamot,” ngiti pa niya.

Sa latest na Instagram post ni Boobay para kay Kent, ito ang nilagay niya: “You may not always be here at my side, but you are always right here in my heart. I miss you.”

Pagkatapos ng higit na 13 years sa pagpapatawa, nabigyan na rin si Boobay ng sarili niyang show at kasama pa niya si Super Tekla sa The Boobay And Tekla Show na eere na sa GMA-7 sa January 27.

Nagsimula ang naturang show nila Boobay at Super Tekla sa GMA ONE Online Exclusives na humakot ng milyun-milyon na views every week.

Kaya malaking rason daw iyon para ilagay na sila sa GMA-7 para mas marami pa silang mapasayang mga manonood.

Taylor Swift naghahanda na sa bagong album

Excited ang fans ni Taylor Swift nang mabalitaan nilang nagpupunta na ito ulit sa recording studio.

Nabanggit noon ni Taylor sa American Music Awards na handa na siya para sa next chapter ng kanyang career at marami ang nanghula na hinahanda na nito ang panibagong album after ng Reputation.

“I always look at albums as chapters in my life. And I’m so—to the fans, I’m so happy that you like this one. I’m so happy that this means that you like this one. But I have to be really honest with you about something, I’m even more excited about the next chapter,” sey pa ni Taylor.

Kailan lang ay namataan ang 29-year old singer na palabas sa isang recording studio in New York City. Suot nito ay skirt, black leggings, oxfords and coat.

ANGELICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with