Enchong na-dikya!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

Bakas pa sa braso ni Enchong Dee ang kagat ng mga dikya nang mag-swimming siya sa Bataan. Pansin na pansin pa rin ang pamumula ng braso ni Enchong nang umapir siya sa presscon ng Elise noong Miyerkules sa Valencia Events Place.

Mukhang hindi naman matindi ang epekto ng pagkakakagat kay Enchong dahil normal na normal ang itsura niya pero dapat pa rin mag-ingat sa dikya ang mga naliligo sa dagat.

May mga report na may mga namatay nang makagat sila ng ibang klase ng deadly dikya.

Mother Lily na-ospital!

Kaloka si Mother Lily Monteverde dahil na-confine pala ito sa ospital noong Martes pero kinabukasan, dumalo pa siya sa presscon ng Elise.

Ikinuwento ni Mother na sumailalim siya sa surgery at maluka-loka ang mga reporter dahil walang bakas na kalalabas lang niya sa ospital.

Ang sigla-sigla ni Mother sa presscon ng Elise pero babalik daw siya sa ospital para i-confine uli. Kakaiba talaga ang stamina ni Mother na hands on sa pag-aasikaso sa promo at publicity ng pelikula nina Janine Gutierrez at Enchong Dee na showing sa mga sinehan sa February 6.

Halaw sa tunay na buhay ang kuwento ng Elise. Hindi lang ako sure kung na-meet nang personal nina Enchong at Janine ang mga karakter na ginampanan nila sa pelikula.

Xian at Enchong salpukan sa mga sinehan

Magkasabay ang playdate ng Elise ng Regal Entertainment Inc. at ng Hanggang Kailan ng Viva Films.

Starring sa Hanggang Kailan sina Xian Lim at Louise delos Reyes.

Parang Enchong vs Xian ang mangyayari na tapatan sa February 6 dahil parehong Filipino-Chinese ang leading man ng Elise at Hanggang Kailan.

Sport minded din ang dalawa bilang maga-ling na swimmer si Enchong at mahusay na basketball player si Xian na kapwa nagsimula ang showbiz career sa ABS-CBN.

Ex-Kapuso star naman si Louise at Kapuso actress si Janine. Pareho rin na mga love story ang Elise at ang Hanggang Kailan.

Aktor na matagal nang natengga sa showbiz, plano nang maghanap ng ordinary job!

Matagal nang walang television at movie assignment ang isang aktor kaya plano nito na maghanap ng ordinary job.

Tanggap ng aktor na hindi talaga stable na propesyon ang showbiz dahil sa kanyang personal na karanasan.

Pinag-aaralan ngayon ng aktor ang work na papasukan pero given the chance, type pa rin niya na mag-artista dahil sa kanyang love sa pag-arte.

Sana nga, makahanap ng regular job ang aktor. At the same time, mabigyan siya ng TV at movie assignment para malampasan na niya ang pinag­daraanan na krisis. Mabait ang aktor kaya wish ko talaga na makabawi siya ngayong 2019.

Mga Pinoy sa Las Vegas todo ang suporta kay Manny

Dati nang maraming Pinoy sa Las Vegas pero lalong dumami ang mga kababayan natin dahil panonoorin nila sa January 19 ang laban ni Papa Manny Pacquiao sa American boxer na si Adrien Broner.

Hoping at confident ang mga Pinoy na mananalo si Pacquiao dahil ensayadong-ensayado ito. Pala­ging pinaghahandaan ni Papa Manny ang lahat ng kanyang mga kalaban kaya sure ako sa mala-king karangalan na muli niyang ibibigay sa Pilipinas.

ENCHONG DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with