KC nanghingi ng payo sa LDR

Nagpaparamdam na ba si KC Concepcion na gusto na niyang magpakasal sa kanyang French filmmaker boyfriend na si Pierre Plassart?  Nung isang araw ay nag-post si KC sa kanyang Instagram habang namimili sila ni Pierre ng fruits sa Tagaytay. Sabi ng mga netizen, wala raw ka-arte-arte si KC habang pumipili ng persimmon, pineapples, papaya at bumili rin ng nilagang mani.

 

Pero sa sumunod na post ni KC, nagtanong na siya ng tungkol sa LDR (long distance relationship).  Seven years ago pa nang unang magkakilala sina KC at Pierre, pero matagal silang hindi nagkita at middle of last year lang muli sila nagkasama.

“This long distance relationship isn’t the easiest but somehow with you I know I’m safe. Had a lovely time with you always, mon amour!

“Is anyone here in an #LDR atm (at the moment)? How do you keep your love alive?”

Napakaraming sumagot at nagbigay ng experiences nila for having a long distance relationship.  Iyong iba more than eight years na ang kanilang LDR na nagtapos din sa papapakasal nila, meron namang nagpakasal na pero balik pa rin sa LDR.

Ang best advice is to put God in the midst of their relationship, constant communication and a lot of prayers, be honest and be faithful, piliin ang pagmamahalan dahil ang pinakamahalaga, pag-ibig. 

Hindi na raw problema ngayon ang LDR dahil sa social media na naroon ang lahat ng tools and ways to communicate. If ever ba at sumunod si KC sa advices, sagot na ito sa Mama Sharon (Cuneta) niya na matagal nang humihiling ng apo sa kanya at love din nito si Pierre para sa kanyang panganay na anak. 

KC is now 33 years old.

Bianca at MigueL, sa Daig… muna

Bago mapanood muli ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa bagong teleserye nilang Sahaya bilang mga Badjao sa February, 2019, magpapatikim muna muli sila sa Daig Kayo Ng Lola Ko mamayang gabi, after ng Amazing Earth. Ang naturang fantaserye ay hosted ni Ms. Gloria Romero. At si Bianca gaganap bilang isang superheroine na si Ging. 

Ano naman kaya ang role na gagampanan ni Miguel, superhero rin kaya siya?  Ang Daig... ay sa direksyon pa rin ni Rico Gutierrez at nasa fourth season na sila.

Mag-ina ni Tirso, pinag-trabaho ng GMA

Nagpapasalamat ang mag-ina ni Tirso Cruz III sa GMA 7 dahil binigyan sila ng mga project na makakatulong para malibang sila sa pagpanaw ng panganay nilang si Tristian Jedidiah o TJ. 

Si Djanin Cruz ay napapanood gabi-gabi sa action-drama series na Cain at Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.  Si Lynn Cruz naman ay isa sa bubuo ng cast ng Inagaw na Bituin bilang kapatid ni Angelu de Leon. 

Si Tirso naman ay abala sa taping ng The General’s Daughter ni Angel Locsin na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Show comments