Lorna Tolentino
Lorna hindi masyadong nakatanggap ng regalo noong Pasko!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 4, 2019 - 12:00am

Laugh ako nang laugh kay Lorna Tolentino dahil call niya ako inquiring bakit wala raw ang mga regular gift na natatanggap niya tuwing Pasko?

Remember ni LT ang ham na padala ni Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Ask niya ako bakit daw hindi dumating?

Sinabi ko sa kanya na inangkin ko ang mga ham dahil overacting ang traffic noong Christmas season. Ayokong utusan ang driver ko na pumunta sa bahay ni LT sa White Plains.

Tinanong din niya ang give aways ng Flawless. Ang sabi ko, dapat nai-request niya ‘yon ng mga November pa para maihanda ni Shane.

Ask pa siya kung bakit si ganito si ganoon, waley regalo sa kanya this year. Ang sabi ko, number one kalaban ang traffic kaya siguro ayaw mag­hatid sa bahay nila.

‘Yung iba naman, cost- cutting at maraming dahilan. Kita mo, matandain si Lorna sa mga regalo niya ha?

Lahat naalaala niya, kaloka. Pati ang ham ni Papa Enrico at give away ng Flawless, hindi niya nakakalimutan.

Kasi naman, December 23 ang birthday ni LT kaya expecting siya na dalawa ang matatanggap niya na regalo, isa para sa kanyang kaarawan at Christmas gift ang another one.

Dahil nga sa nagkasakit ako noong December, nakalimutan ko rin na padalhan si LT ng flowers.

Kawawa naman ang biyuda ni Daboy (Rudy Fernandez) dahil nakalimutan siya na padalhan ng gifts. At least, marami ang nagmamahal sa kanya na okey na okey dahil hindi affected ng traffic.

Mayor Herbert babalikan na lang ang acting career?!

From Number 8, umakyat na sa Number 6 slot ang Rainbow’s Sunset dahil nadagdagan ang viewers nito pagkatapos maghakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2018.

Malaki talaga ang naitulong ng best picture award ng pelikula nina Gloria Romero at Eddie Garcia dahil nadagdagan ang mga sinehan, pati na ang manonood na puring-puri ang kuwento ng Rainbow’s Sunset at ang mga performance ng kanilang mga co-star.

Si Harlene Bautista ang producer ng Rainbow’s Sunset. Hindi ako magtataka kung gumawa uli si Harlene ng pelikula na isasali sa 45th Metro Manila Film Festival dahil bumongga nga ang box-office gross ng Rainbow’s Sunset.

Ngayong single na uli si Harlene, nadagdagan ang panahon nito para tutukan ang kanilang family business, ang Heaven’s Best Entertainment.

Malay natin, baka balikan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang acting career kapag bumaba na siya sa puwesto.

Hindi na kakandidato si Herbert para sa ibang government position dahil gusto niya na mag-focus sa kanyang mga anak. Bata pa naman si Herbert kaya after three years, kung gugustuhin niya, puwedeng-puwede uli siya na bumalik sa mundo ng pulitika at public service dahil hindi pa sunset ang kanyang political career.

Komedyante, sobrang affected sa problema nila ng one and only child!

Confirmed na malungkot ang isang comedian dahil may pinagdaraanan siya.

Affected ang comedian dahil hindi tungkol sa lovelife ang problema niya. Affected siya dahil may tampuhan sila ng kanyang one and only child.

Mahal na mahal ng comedian ang anak niya at normal lang sa mga magulang at anak ang pagkakaroon ng mga tampuhan. I’m sure, maaayos din ang problema ng comedian at ng kanyang anak dahil siguradong mas iiral ang love nila para sa isa’t isa.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with