^

Pang Movies

Jaya parang bigo ang kanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami na naman ang pinaiyak ni Jaya sa bagong niyang single na Hanggang Dito Na Lang na finally ay may music video na rin na ini-release ng  Star Music.

 

Isa si Jaya sa mga singer ng GMA-7 na lumipat na sa ABS-CBN, nauna siya sa mga kasamahan niyang sina Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Lani Mi­salucha at Regine Velasquez na pawang mga katrabaho niya dati sa programang SOP at ngayon ay nasa Dos na rin. Regular na napapanood ngayon si Jaya bilang isa sa mga hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Balik naman tayo sa ginawa niyang music video, ramdam na ramdam kasi doon ang sakit ng isang nabigong umiibig. Tanong tuloy ng marami kung bigo rin ba siya in real life.

May dalawang anak na ngayon si Jaya at masaya sa kanyang asawa kaya malabong bigo siya. ganunpaman, inaalay niya lang daw ito sa mga patuloy na nasasaktan sa pagmamahal pero pinipilit lumaban.

Matagal bago nagawan ng music video ang nasabing kanta niya kaya naman nababahala ang iba niyang fans na baka napapabayaan na rin siya.

vuukle comment

JAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with