Darating na today Catriona nadagdagan ng 3 million ang followers

Ngayong araw na darating ng bansa ang bagong Miss Universe na si Catriona Gray.

 

Kaya sure na sure na mas magiging matindi ang traffic.

Grabe na ang traffic dahil sa Christmas rush pero asahang mas matindi pa ngayon. Lahat ay gustong masilayan ang bagong Miss U.

Hindi pa alam kung saan siya paparada sa Cubao kung saan madalas nagkakaroon ng parade ang mga taga-Binibining Pilipinas.

Anyway, halos more than 2 million ang new followers ni Catriona sa Instagram. Nang mag-start ang kanyang journey ay wala pang 1 million, pero as of yesterday, 2.6 million. Three days ago lang, nagpasalamat pa siya sa P1 million followers pero ang bilis ng mga pangyayari matapos niyang makuha ang korona. 

Jessy nagpakita ng kaseksihan sa orange dress

Ang ganda ni Jessy Mendiola sa pelikulang The Girl in the Orange Dress.

Bagay sa kanya ang character na isang girl na naka-one night stand ng isang sikat na actor na ginampanan ni Jericho Rosales.

Hindi ka na mag-iisip pag pinanood mo, basta i-enjoy mo lang.

At pinakita niya ang kaseksihan niya, lutang na lutang. Hindi na siya puwendeng i-bash at pintasan.

Ang The Girl in the Orange Dress ay isa sa eight official entries sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2018 na magsisimulang mapanood sa Pasko.

Show comments