Paul gustong idirek si Coco
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - December 16, 2018 - 12:00am

Almost 17 films na pala ang naidirek ni Paul Soriano sa sariling mo­vie production na Ten17P na bago pa lamang na naitatayo.

 

Sa totoo lang, ang guwapo ni Direk Paul, mas may dating kung siya ay nag-artista, like his lolo, ang sikat na aktor na si Nestor de Villa na isa ring magaling na aktor at magaling sumayaw. Ang ka-love team noon ni Nestor ay si Nida Blanca at ngayon ay wala na sila, parehas nang sumakabilang buhay. Kaya maganda sana kung si Direk Paul ay nag-artista na lang, kaso wala pala siyang hilig sa pag-aartista. Mas gusto niya na maging man behind the camera kasi nandito ang kanyang talent, ang magsulat ng story at maghanap ng magandang anggulo para mas mapaganda ang mga ginagawang pelikula.

Malaking fullfilment daw kasi kay Direk Paul na makitang nag-e-enjoy ang mga nanonood sa kanyang trabaho.

Ang entry naman niyang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2018 na Mary, Marry Me ay concept ni Toni Gonzaga.

Sino ba si Toni sa buhay ni Direk Paul? Edi ang kanyang forever love, ang nag-iisang babaeng unang kita pa lang ay sinabi niyang ‘siya na nga.’ Meaning, siya ang magiging ilaw ng kanyang buhay at hindi nabigo ang poging Direktor.

Sa ngayon ay may isa na silang munting angel na lalaking anak, si Sevé. Tulad ni Direk, pogi rin ito at super bibo.

Dahil sa likas na hindi maramot si Direk Paul, binigyan niya ng pagkakataon ang isang young director na kaagapay niya sa trabaho, si RC delos Reyes. Bale pang 3rd movie na ito ni RC sa production ni Direk Paul.

Bida sa pelikula ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga kasama ang leading man nilang si Sam Milby.

Isa sa dream ni Direk Paul na makatrabaho si Coco Martin sa isang action movie. Why not? kaya mo ‘yan Direk Paul.

Good luck for your next project! At syempre good luck din sa pelikulang Pamaskong Handog na Mary, Marry Me.

Christmas party ng ABS-CBN at Star Magic walang luhaan!

Well, nakakalula ang ginawang Christmas Party for the Movie Press ng Star Magic na ginanap sa isang masaganang lunch sa Dining Resto ng ABS-CBN with raffle ng datung and gifts, mga giveaway na beauty pro­ducts at kung anu-ano pa na mga memorable things.

White Christmas ang tema, dahil naka-white lahat ng mga movie press, then sa hapon merienda time naman sa ABS-CBN sa Trinoma na Korean ang lafang, may mga games at TV shows, singing contest at agos talaga ang datung sa kanilang raffle.

Walang umuwing luhaan. Ang saya-saya, nakakatuwa, grabe ang mga magagandang taga-Corporate PR ng Kapamilya Network sa pangunguna ni Kane Choa sa pag-assist sa movie press. With Thess Cubi, PR Manager ng Star Magic at mga staff niya na puro bata pa!

Merry christmas to all! Salamat po!

Personal…

Merry Christmas! Ethel Ramos, Ricky F. Lo, Ronald Constantino, Nora Calderon, Veronica Samio, Salve Asis, Rodel, Debbie, Mae, Judy, Lani, Vir Gonzalez, Madam Susan Roces, Sen. Grace Poe, Emma and Dolor Guevara, mga kapanalig sa hanapbuhay! Lahat ng mga taong inawitan ng PMPC, si PAO chair Percida Acosta, at lahat ng BOD at members ng PMPC.

PAUL SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with