^

Pang Movies

Sharon ini-enjoy ang pagpapalipas ng gutom para pumayat

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — As per Sharon Cuneta’s post, nagsimula na siyang mag-shooting ng Kwaresma sa direction ni Erik Matti under Reality Entertainment. Nakwento kasi nitong sa shooting nila sa Baguio, ‘pag oras nang kumain, natutulog na lang siya, kaya 5 lbs., ang nawala sa kanya at three inches ang nabawas sa waistline niya.

 

Tapos, sa album launch, nakalimutan niyang kumain, kaya nilagnat siya. Ang kapalit lang ng pagkakasakit ni Sharon, pumayat siya, kaya okay na rin. By this time, magaling na siguro siya sa lagnat at ang maganda pa, pumayat siya.

Parang nakakatakot nga ang Kwaresma dahil bakit kailangang regaluhan ni Sharon ng religious relics si direk Erik? Pinost ng director ang crucifix at rosary na regalo ni Sharon na pangontra siguro sa bad elements habang nagsu-shooting.

Marian may pa-LV sa paboritong direktor

Louis Vuitton bag ang Christmas gift ni Marian Rivera kay director Louie Ignacio, director ni Marian sa maraming shows sa GMA 7 at ang pinaka-latest ay sa Sunday Pinasaya. Ang tingin namin, na ang sabi, “Thank you Primetime QUEEN AND FRIEND @marianrivera sa Christmas Gift!!! Love you.”

Samantala, nag-agree si John Arcilla sa sinabi ni Dingdong Dantes kay Marian na may extraordinary talent ang aktres. Nag-comment si John sa Instagram (IG) ni Dingdong at ang sabi, “Congratulations Yan! @marianrivera. You deserve such accolade.”

Kahit buntis, tuloy ang advocacy ni Marian sa Smile Train na paoperahan ang mga batang may cleft lip o cleft palate. Hindi sila naghihintay na sila ang lapitan dahil nananawagan sila sa mga gusto ng tulong na operasyon o speech therapy.

“There are many ways to spread the love I get from everyone in my life. At the end of the day, it’s not about what we have or accomplished but it’s about what we’ve given back. This year has been nothing but good to me, and this season it’s time to share our blessings through Marian’s Closet @smiletrainph @closetbymarian.”

Kris may ‘gender reveal’ sa bagong baby!

Kasama ni Kris Bernal sa US vacation nila ng kanyang ina ang boyfriend niyang si Perry Choi, kaya pala mas doble ang saya ni Kris dahil kumpleto ang mga mahal niya sa buhay.

Kung pagbabasehan ang napapanood naming videos, bukod sa pamamasyal, walang ginawa sina Kris at mga kasama kundi kumain nang kumain. Hindi nakakagulat kung pagbalik ng aktres, tumaba na siya at wala nang maireklamo ang followers at supporters niya.

May nabanggit pala si Kris na important announcement na kanyang gagawin. Excited na raw siya na ipaalam ang matagal na niyang sikreto. “Sorry, it’s just too precious and private, and I needed to savor it alone. What’s your guess for my precious baby? HE or SHE?”

Ang hula ng marami, ang sikretong binanggit ni Kris ay may kinaalaman sa lippie business na ibebenta niya online. Dapat September pa available ang lippie line, naing busy lang si Kris sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko at sa pagbubukas ng Korean Barbeque Restaurant.

Parang may time at capital na uli si Kris para ituloy ang matagal ng gustong pasuking business at ang naalala namin, nabanggit nitong simula lang ang lipstick at susundan niya ng iba pang beauty products from Korea.                         

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with