^

Pang Movies

Nagpapatulong na kay Sta. Claus Christmas wish ng fans kina Piolo at Erik, magka-dyowa na

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Nagpapatulong na kay Sta. Claus Christmas wish ng fans kina Piolo at Erik, magka-dyowa na
Piolo

Dalawang showbiz bacherlors na gusto na ng kanilang fans na magkaroon nang love life ay sina Piolo Pascual at Erik Santos.

No wonder, na ang kanilang respective requests kay Sta. Claus is to help them find the right girl.

Pareho na silang of age at may proper resources na para bumuo ng pamilya.

Bong babalik na sa paggawa ng pelikula

Tuloy na tuloy ang big celebration na plano ni Mother Lily Monteverde para kay former Senator Bong Revilla, dahil sa well-publicized total acquittal niya sa plunder cases na inakusa sa kanya almost five years na ang nakararaan.

“It’s in celebration, likewise, of how powerful prayers really is,” sabi pa ni Mother Lily. “I prayed na kung hindi rin lang naman totoo ang ibinibintang sa kanya, mapawalang-sala na siya.

“And my prayers and that of the prayers, too, ng mga taong nagmamahal sa kanya ay pinakinggan ni Lord.

“Alleluia,” susog pa ni Mother Lily.

Inaasahan ni Mother Lily ang pagdalo ng lahat ng mga taga-showbiz na malapit kay Senator Bong sa nasabing okasyon. Tiyak nga raw kasi na sa pagiging free again ni Sen. Bong, muling magiging aktibo ito sa showbiz maging sa pagpu-produce muli ng movies.

Even nga naman kasi sa loob ng Custodial Center ng PNP, ‘di nawala ang pag-alala ni Sen. Bong sa mga dating kasamahan niya sa showbiz. Lalo pa nga at nakarating sa kanya ang balitang, waring ‘di na kasing enthusiastic, tulad ng dati, sa panonood ng pelikulang Pilipino ang mga tao.

Ronnie dedma na sa pagiging selosa ni Loisa

Obvious na may pagkaselosa itong si Loisa Andalio. Halata ito dahil nang ma-interview sila ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte sa Magandang Buhay na hino-host nina Karla Estrada, Melai Canteveros at Jolina Magda­ngal, halatang apektado at iritable siya, when Ronnie mentioned something about his past relationships.

Mabuti na lang at Ronnie simply ignored her.

Mapapanood ang dalawa kasama sina Maymay Entrata at  Edward Barber, at sina Kisses Delavin at Donny Pangilinan, sa  Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Fantastica, na pagbibidahan nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. Kasama rin sina Jaclyn Jose, Ryan Bang and with Barry Gonzales directing.

A production of Viva Films and Star Cinema, Fantastica opens in theaters nationwide on December 25.

Actress-TV host may kundisyon sa mangangaroling!

Ewan daw kung mai-irritate siya or whatever, kuwento sa amin ng isang kasamahan sa entertainment media, sa naging sagot daw sa kanya ng isang kilalang actress-TV host, when he approached her and asked permission na mag-carolling sa kanyang bahay.

Ang maliksing sagot daw ng actress-tv host: “Why not? Pero, gusto ko, isulat n’yo muna ako at ang film entry ko sa (MMFF 2018).”

And obviously, depende rin sa number of write-ups na naisulat ng mga kinauukulan ang tatanggapin nilang “alaala” mula sa nasabing TV host-actress.

Opo, Salve A., obviously, ganyan na ang “labanan” ngayon.

Luis babu na sa i can…

Hanggang January na nga lang ba ng 2019 ang itatagal sa himpapawid ng programang I Can See Your Voice, na hino-host ni Luis Manzano kasama ang Singvestigators na kinabibilangan nina Bayani Agbayani, Wacky Kiray, Alex Gonzales, Kean Cipriano at Andrew E.

Gagawin na raw ni Luis ang Minute To Win It at Dance Idol Philippines, na kanyang iho-host kasama si Miss Universe 2015 Pia Wurztbach.

Personally, I will be affected sa pagtatapos ng I Can See Your Voice. The show’s format is as inte­resting to me as the Pinoy Big Brother (PBB), na ang ka-e-evict na si Aljon Mendoza ay isang star material.

In any case, good luck to Luis’ two new shows.

vuukle comment

PIOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with