Alden naiyak kay Maine!

Alden

Sunday morning, maagang nag-Tweet si Pambansang Bae Alden Richards ng “Pakisama nga po ako sa listahan ng mga pinaka masasayang tao sa mundo ngayon, maraming salamat. Good morning”

Kahapon ng umaga kasi ginanap ang groundbreaking ng franchise ng McDonald food chain ni Alden sa Biñan City, Laguna. Kasama niya si Daddy Bae (Richard Faulkerson Sr.) at ang sister niyang si Riza. Isa-isa nang natutupad ang mga business ventures ni Alden at malamang ito ang sinasabi niyang mag-o-open na sa April 29, 2019.

Ito ay pagkatapos nang isang masayang celebration ni Alden na ikinaiyak din niya, ng kanyang 8th anniversary in showbiz last December 8, sa pamamagitan ng isang event na handog sa kanya ng AlDub Nation (ADN) na ginanap sa UP Bahay Alumni. Maraming nagbigay ng message kay Alden na pinasaya raw niya sila sa loob ng walong taon, lalo na iyong last three years na nakatambal na niya si Maine Mendoza, na hindi nakapagpigil si Alden at napaiyak habang pinakikinggan niya. Nagbigay din ng message si Maine na wish niya matupad lahat ang mga gusto pa nitong ma-achieve, at i-enjoy niya ang pagtahak ng 9th year niya sa showbiz. Biro pa ni Maine, matanda na raw si Alden.

Ang message naman ni Chynna Ortaleza na naging parang tunay niyang ate nang ginawa nila ang Victor Magtanggol. “I know you will be a great father and I know that iyong pamilyang ina­asam mo is just around the corner, kaya narito lamang kami para sa iyo, we will support you no matter what.”

Marian tumanggap na naman ng parangal

Isa na namang award ang tinanggap ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera last Saturday, mula naman sa Inding-Indie Film Festival.

Caption ni Marian sa kanyang Instagram wall: “Gusto ko pong magpasalamat sa bumubuo ng Inding-indie Film Festival sa paggagawad sa akin ng parangal bilang Huwarang Aktres sa Telebisyon,  Nakakataba ng puso na kilala­ning huwaran. Salamat sa organization nyo na nagbibigay ng halaga sa mga indie films, artists at producers.” 

Agad na bumati si Dingdong Dantes kay Marian: “Congrats baby!”

Direk Yam umaasang si Anne ang mag-uuwi ng Best Actress award

Sa media conference ng Aurora na entry ng Viva Films at Aliud Entertainment sa 44th Metro Manila Film Festival si­mula sa December 25, may wish si Director Yam La­ranas para kay Anne Curtis, na siya ang ma­ging Best Actress sa Gabi ng Parangal sa December 27. “With all lthe biggest respect to the other actresses in the other entires, this is kinda with a big scope of a movie that there’s only one character that carries the entrie film, from start to finish, isa lang, si Anne.”

Kasama lamang ni Anne sa movie na nagsimula lamang ang story nang isang barko ang lumubog sa karagatan sa lugar nila, na shot sa Batanes Islands, sina Marco Gumabao at ang gumanap na 8th year old sister niyang si Rita, si Phoebe Villamor.

Binigyan na ng Parental Guidance (PG) classification ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang Aurora.

Show comments