Walang chemistry sa mga nag-audition Young actress sa ex-dyowa pa rin ang bagsak

Binalak ng isang network na ipareha na sa iba ang young actress dahil break na naman sila ng kanyang ka-love team na naging boyfriend din nito. Ang ginawa ng network, nagpa-audition ng bagong makakapareha ni young actress sa ibang young actor talent nila hoping na makakita sila nang bago nitong makakapareha sa show na pagbibidahan ni young actress

 

Ang problema, sa mga nag-audition na young actor, hindi sila nakitaan ng chemistry ng young actress. Kahit mas guwapo at mas matangkad sa ex-BF at former love team ng young actress ang mga nag-audition, wala silang nakita na babagay dito at wala silang nakitang chemistry ni young actress.

Ang ending, ang ex-BF at former love team pa rin ni young actress ang makakapareha niya sa bagong soap na for airing next year. Matutuwa nito ang fans ng magka-love team na nalulungkot na sana dahil break na nga ang magka-love team, paghihiwalayin pa ng show.

Sabagay, tama lang na  ‘wag munang paghiwalayin ang magka-love team dahil may pelikula silang hindi pa ipinalalabas. Ang hirap i-promote ng pelikula nila kung wala na nga silang relasyon, buwag na rin ang love team.

Bela mabilis naka-adjust sa maraming camera

Pangalan pa lang ng mga karakter ng Fantastica, nakakatawa na. Si Vice Ganda ay si Belat, si Richard Gutierrez ay si Prince Pryce, si Dingdong Dantes si Dong Nam at si Bela Padilla ay si Queen Umuulan at Kapiling Ka.

First comedy film ito ni Bela at pati nga siya, tinanong ang sarili kung ano ang ginagawa niya sa Fantastica. Pero, ilang shooting days lang naman na-disorient si Bela dahil sa mga sumunod na araw at dahil na rin kay Vice Ganda, mabilis siyang nakapag-adjust.

Kasama sa adjustment ni Bela ang dami ng camera na gamit ni director Barry Gonzales at ang dami ng cast. Umabot sa 16 cast ng pelikula, siya nasanay sa dalawa lang silang main character at kung may mga kasama man, hindi aabot sa sampu. Pero, ang problema sa adjustment ni Bela, mabilis nawala. Nag-enjoy siya sa mga kasama at sabi nga nito, iisipin pa ba niya ang adjustment kung si Vice na ang kasama niya plus Richard at Dingdong, ang three love teams ng ABS-CBN at mahuhusay na komedyante.

Inamin ni Bela na fan siya nina Chokoleit, MC Muah, Lassy Marquez at Juliana Parizcova Segovia at excited siya lagi ‘pag sila ang kanyang kaeksena dahil masaya at tawa lang siya ng tawa.

Jericho ginaya si Sam

Masaya at hindi makapaniwala si Jericho Rosales na hanggang ngayon, he is still given the chance to be paired with younger leading ladies. Nangyari ito sa mga show niya sa TV, the latest ay ang Halik na ang mas bata sa kanyang si Yam Concepcion ang kapareha.

Nangyari rin ito kay Jericho sa Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Quantum Films kung saan si Jessy Mendiola ang kapareha niya sa The Girl in the Orange Dress. 

Hindi malayo kay Jericho ang role ni Rye sa pelikula na isang heartthrob dahil ganu’n in real life ang aktor. Sikat at tinitilian pa rin siya kahit saan magpunta, kahit ang feeling nito ay matanda na siya.

Si Jessy ang title role ng The Girl in the Orange Dress at hindi ito isyu kay Jericho na ang mas binibigyan ng pabor ‘pag tumatanggap ng offers ay ang material. Maganda ang script ni Jay Abello na siya ring nagdirehe ng pelikula.

Nabanggit ni Jericho sa presscon na si Sam Milby ang peg niya sa role ni Rye.

Show comments