Sarah bibida sa pelikula ka-partner ang aso

BTS (behind the scenes) lang yata ng look test ni Sarah Geronimo ang pinost ni director Jun Lana sa Instagram (IG), nahulaan agad na para sa pelikula ‘yun.

May kasamang aso si Sarah sa pinost ni direk Jun, kaya ayun, nag-isip na ang netizens na may kinalaman sa aso ang story ng movie na gagawin ni Sarah kay direk Jun.

Dahil sa Star Cinema at Viva Films lang pwedeng gumawa ng pelikula si Sarah, malamang na isa sa kanila ang producer ng movie.

Hintayin natin ang mga lalabas na balita tungkol sa project na ito.

Kim napapasigaw pagkakatapos ng love scenes kina JC at Dennis

Ang kwento ni director Eric Quizon, may tatlong love scenes si Kim Chiu sa One Great Love, ang entry ng Regal Entertainment sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Dalawa ang love scenes ni Kim kay JC de Vera at isa kay Dennis Trillo. Ang love scenes kay JC ay ginawa sa bathtub ng yate at isa sa bedroom.

Ang love scene kay Dennis ay kinunan naman sa harap ng fireplace.

“Sizzling” ang description ni direk Erik sa three love scenes at bahala na raw ang moviegoers mamili kung alin sa tatlong love scenes ang pinakamaganda.

Sa tanong ng reaction ni Kim nang gawin ang love scene, sagot ni direk Eric, very professional and she did well.

After the scene, doon sumisigaw si Kim, sigaw na may kasamang tuwa na nagawa niya ang eksena.

Naniniwala pala sa great love si Eric, pero wala pa siyang one great love dahil past na ‘yun at lahat minahal niya.

Jessy nabago ang buhay sa Orange Dress...

May pa-trivia si director Jay Abello sa pelikula niyang The Girl in the Orange Dress na ang original title pala ay The Birthday Girl.

Kinuwento rin ni direk Jay na ipinaglaban niya si Jessy sa role ni Ana dahil nakita niya sa aktres ang nasabing karakter.

Pasalamat siya na nag-agree si Atty. Joji Alonso at ipinaglaban din ang choice niya.

Nag-post si Jessy ng pasasalamat, “Aww! Thank you direk! It’s an honor to bring Ana to life! This role changed my life. Thank you for the opportunity and believing in me when no one else did!”

Show comments