Catriona at Katarina, inaasahang mag-uuwi ng korona sa Miss U at Miss World

Catriona at Katarina, inaasahang mag-uuwi ng korona sa Miss U at Miss World

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 30, 2018 - 12:00am

O baka puro ingay lang sa social media?

Wow bongga ang salubong sa Thailand kay Catriona Gray kung saan  gaganapin ang co­ronation ng Miss Universe 2018.

As in paglabas niya ng airport ng Bangkok, may nagtitilian at nakiki-selfie na sa kanya.

Mainit na mainit ang naging pagtanggap as if siya na ang susunod na Miss Universe.

Sana nga ay sign na ito siya ang mag-uuwi ng korona sa bansa na naging mailap matapos manalo si Pia Wurtzbach noong 2015.

Nagkalat sa social media ang bonggang pagtanggap sa kanya sa Bangkok. “Mabuhay! Had the warmest welcome from supporters at the airport in Bangkok! Thank you so much to everyone who came out to show me their love today! We’re in Thailand!” sabi niya sa kanyang IG post.

Sa December 17 ang pageant night at malakas ang ugong na malakas nga ang laban ng ating kandidata.

Nauna nang naging pambato natin sa Miss World 2016 si Catriona. Pero hanggang top 5 lang siya napasama at sinasabi nga noong na-disappoint siya kaya hindi agad siya nagparamdam pagkatapos ng naging kapalaran sa Miss World.

Sana nga this she will bring more the bacon.

Pero bago ang Miss Universe, mauunang malaman ang kapalaran ni Katarina Rodriguez sa Miss World na gaganapin sa December 8, sa Sanya, China.

Malakas din ang ugong na magwawagi si Katarina na naging first runner up naman sa Miss Intercontinental 2017 sa Egypt.

Naging runner-up din siya sa Asia’s Next Top Model.

Ang anak ni Rep. Albee Benitez na si Javi ang sinasabing boyfriend ni Katarina kaya inaabangan kung susunod ito sa China bago mag-December 8.

In all fairness, parehong recycled sina Catriona at Katarina kaya mataas na mataas ang expectation sa kanila.

­

CATRIONA GRAY KATARINA RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with