Recipe For Love huhusgahan na sa mga sinehan!

Cora & Christian

Opening today in cinemas nationwide ang romantic comedy movie na Recipe For Love ng Regal Films. 

 

Ano kaya ang secret ingredients to a healthy relationship in the movie na nagpapabalik kay multi-awarded actor Christian Bables sa comedy at ng kanyang leading lady niya si Cora Waddell.

Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, nasa cast din sina Kapuso stars Sophie Albert at Enrico Cuenca at si Kapamilya actress Myrtle Sarrosa.

Bianca may hugot lines kina Ruru at Miguel?!

Sunud-sunod ang pagpapapirma ng recording contract ng GMA Records sa mga Kapuso stars. Matapos papirmahin ang top 12 ng The Clash sa pangunguna ni Golden Cañedo, kahapon ay dalawa namang Kapuso actor and actress ang pinapirma ni Mr. Rene Salta ng GMA Records, sina Jeric Gonzales and Bianca Umali. Happy sina Jeric at Bianca na muli silang magkakasama dahil naging close sila nang ginawa nila ang  Kambal Karibal.

May ginagawa namang afternoon prime series ngayon si Jeric, ang Ika-5 Utos.

Speaking of Bianca, bakit kaya last Sunday sa Sunday Pinasaya kung saan guest siya nina Marian Rivera at Lovely Abella panay siya sa hugot lines. Kahit si Marian ay napuna ito. Sino kaya ang pinatutungkulan niya, ang dating boyfriend na si Miguel Tanfelix o ang nali-link sa kanya ngayon na si Ruru Madrid?

Pero magka-love team pa rin sina Miguel at Bianca sa GMA Network, may bago silang gagawing teleserye at may ginagawa rin silang movie sa APT Entertainment, Inc. Magkasama rin sila sa 2018 GMA Christmas Station ID.

Nakitang magkasama sina Bianca at Ruru noong Undas sa Japan at last week may post naman silang magkasama sa Siargao Island.

Tahimik lamang si Miguel, wala siyang comment sa mga nagtatanong sa kanila ni Bianca. Nag-post lamang siya sa kanyang Instagram na nag-ooperate na ang kanilang family business na milk tea.

Viewers ng My Special Tatay, tutol Kina Ken at Rita!

May pakiusap ang mga netizens sa production team ng My Special Tatay na nagtatampok kay Ken Chan bilang si Boyet na may individual disability. Humahanga sila sa mahuhusay na bumuo ng cast, nasusubaybayan nila ang Afternoon Prime drama series at gusto nila ang takbo ng story. Napapaiyak daw sila kapag masyadong maltreated ang character ni Boyet.

Pero lately, hindi nila masyadong tanggap ang pagpasok ng love angle kina Boyet at Aubrey, played by Rita Daniela. Mahusay si Rita pero ang pakiusap ng viewers, huwag na ang love angle, puwede raw bang pabaitin na lamang ang character ni Aubrey at maging isang mabait na lamang nanay sa kanilang anak ni Boyet.

Napapanood ang My Special Tatay pagkatapos ng Ika-5 Utos.

Show comments