Regine wala nang pahinga

Regine

Parang ako ang napagod sa maraming exposure ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa launching ng ASAP Natin ‘To. Hihihi;

Mula umpisa bumibirit na siya hanggang sa closing ng programa.

OA din ang schedule ni Regine since ma­ging Kapamilya siya ha.

Nung Friday nasa concert siya ni Jed Madella, the following night ay nasa Regine at the Movies concert niya at ASAP Natin ‘To (not sure kung taped as live sila).

Whew parang wala na nga siyang pahinga since lumipat siya ng channel.

At lahat ng show ng ABS-CBN nalibot na niya yata na hindi niya nagawa nung Kapuso siya.

Poster nina Vice at Coco, iisa ang layout artist?!

True parang iisa ang nag-layout ng poster ng pelikula nina Vice Ganda, Richard Gutierrez  and Dingdong Dantes na Fantastica at Puliscredibles nina Vic Sotto, Coco Martin and Maine Mendoza.

Halos pareho ang concept, walang difference. Sa poster ng Fantastica, nasa gitna si Vice at sa Puliscredibles si Maine ang nasa center.

Or baka naman playing safe lang sila para walang selosan?

Show comments