^

Pang Movies

Sarah at Matteo, susunod na sa kasal nina Christian at Kat?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sarah at Matteo, susunod na sa kasal nina Christian at Kat?!
Sarah at Matteo

Simula sa darating na November 17, 2018, araw ng Sabado ay ikakasal na sina Christian Bautista at telecom executive na si Kat Ramnani sa isang undisclosed wedding place sa Indonesia.

Ang fashion designer na si Francis Libiran ang naatasang gumawa ng wedding gown ni Kat at suit ng singer-actor.

Bago si Kat ay naging girlfriend noon ni Christian ang singer-actress at West End and Broadway star na si Rachelle Ann Go na ikinasal last April 2018 sa Boracay sa kanyang American executive husband na si Martin Spies.

Ngayong kasal na si Rachelle Ann Go at ikakasal na rin sa Sabado si Christian, kasunod na rin kaya rito ang kasal nina Sarah Geronimo at nobyo nitong si Matteo Guidicelli?

Paolo si Lara na ang pinakamatagal na ka-live in!

May apat na taon na rin ang relasyon ng 44-year-old former TV host and newscaster na si Paolo Bediones sa dating sexy star na si Lara Morena na nagsimula nung 2014. Napapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Paolo has been linked to different beautiful women and never been married to anyone. Si Lara naman na dating sexy actress ng OctoArts Films ay ex-wife ng businessman na si Fausti Galang kung saan siya may dalawang anak. Matagal nang hiwalay si Lara sa dati niyang mister at malalaki na ang kanilang mga anak.

Si Lara marahil ang pinakamatagal na live-in partner ni Paolo na aktibo pa rin hanggang ngayon sa paghu-host ng iba’t ibang events pero hindi pa ito nakakabalik sa paghu-host sa telebisyon magmula nang sumabog ang kanyang kinasangkutang sex scandal (with one of his ex-girlfriends) may ilang taon na rin ang nakakaraan.

Kung nanaisin ni Paolo na pakasalan si Lara ay walang magiging hadlang dahil matagal nang annulled ang kasal ng dating sexy actress sa dating mister na si Fausti.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with