^

Pang Movies

Janine ayaw matulad ang buhay sa mga magulang!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janine ayaw matulad ang buhay sa mga magulang!

Naka-plano na ang buong Disyembre ni Janine Gu­tierrez at naiayos na niya ang kanyang schedule para makapiling separately ang kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

“Mahirap lang talaga ang planuhan pag hiwalay ang magulang,” sambit niyang natatawa. “Pero mairaraos naman,” dugtong niya.

Ayon sa young actress, ang mauuna raw muna ay pagdalo niya sa wedding ng Mama niya sa Lebanese boyfriend nito sa December.

“Wedding muna, parang isang linggo po siguro ‘yun na celebration, preparation, wedding. After wedding, gusto niya yatang mag-beach sandali, for a few days.

“So, ‘yung isang linggo na ‘yun, kay Mama.”

Pagkatapos daw ng wedding ni Lotlot ay ang Papa naman niya ang kasama niya’t pupunta sila sa Los Angeles with her siblings also.

“One week lang naman kami sa LA, kasama naman si Papa’t mga kapatid ko. ‘Yung iba, first time nila mag-US. Si Papa, ang huling US, 1991 pa.

“Dec. 22-29 po ‘yun, bale du’n kami magpa-Pasko. Kinuha ko talaga ‘yung flight na nandito na kami ng 31 ng hapon, para New Year, si Mama ulit,” pahayag ni Janine.

Dahil nga alam niyang mahirap para sa mga anak kapag hiwalay ang parents, aniya ay sisiguraduhin niyang hindi ito mangyayari sa kanya kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya.

“Ayoko, hindi ako papayag,” sambit niya. “At ‘yun din naman ang turo sa akin ni Mama, na huwag magmadali pagdating sa mga desisyon sa pag-ibig, ganyan. Para pag ‘yun na, ‘yun na talaga,” she said.

Bagama’t mainit na mainit nga ang balitang may relasyon sina Janine at Rayver Cruz, hindi pa nila ito direktang inaamin at ang lagi nga nilang sinasabi, wala silang label and “what you see is what you get” daw.

Aurora Borealiz kuhang-kuha sa pelikula nina Paolo at Alessandra  

Kudos to Alessandra de Rossi, Paolo Contis and direk Veronica Velasco sa napakagandang pelikulang inihatid nila sa manonood, ang Through Night & Day ng Viva Films, OctoArts Films and Mischief Productions na nagkaroon ng red carpet premiere night last Monday sa SM Megamall.

Napaka-touching ng movie at lumabas kami sa sinehan na namumugto ang mata. Wala kaming masabi sa husay ni Paolo sa portrayal niya bilang Ben sa pelikula, sobrang ginalingan.

Of course, napakahusay din ni Alex sa kanyang pagganap bilang Jen pero ‘yung mga crying scenes talaga ni Paolo ang nakapagpaiyak sa amin. Let’s face it, iba naman kasi talaga ang dating kapag ang lalaki na ang umiiyak.

Medyo pabebe kasi ang karakter ni Alex sa movie kaya nairita kami sa kanya as Jen but this means na nai-portray niya rin nang mahusay ang kanyang karakter. Annoying talaga ang karakter niya lalo na ang mga eksena nila ni Paolo sa Iceland pero may dahilan naman pala in the end.  (

And yes, isa sa maipagmamalaki ng movie ay ang mga eksena sa Iceland, ang mga breathtaking views lalong-lalo na nga ang Aurora Borealiz na na-capture talaga nang bonggang-bongga.

By the way, ikinagulat ng lahat ang pagdalo ni Alex sporting a new look. Nagpakalbo ang aktres na in fairness, bagay sa kanya.

May dahilan ang pagpapakalbo ni Alex na hindi pa puwedeng sabihin. Panoorin n’yo na lang ang movie to find out why. Pero sobrang pinahanga kami ng aktres sa ginawa niyang ito.

Showing na ang Through Night & Day ngayong araw na ito, Nov. 14.

vuukle comment

JANINE GU­TIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with