Pelikulang Tagalog sunud-sunod na naman ang pag-flop?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 13, 2018 - 12:00am

Ang sinasabi ng ilang film distributors, mukha raw sunud-sunod na namang mag-flop ang ilang pelikulang Pilipino na ilalabas sa buwang ito. Ito kasi ang panahon na talagang mahina na ang pelikula. Bukod sa busy ang tao sa shopping at pamamas­yal sa theme parks, hin­di mai­kakailang ang pagtataas ng mga presyo at pamasahe ay naka­apekto rin sa sine. Kawawa naman ang mga producer at mga artista ng mga pelikulang ipapa­labas ngayong buwang ito.

Sana naman may kumita kahit na papaano.

Ate Vi hindi maka-demand ng apo

Hindi naman ikinakaila ni Congresswoman Vilma Santos noon pa man na gusto na rin niyang magkaroon ng apo. Madalas nga sinasabi niya,”ang tagal na ring walang baby sa pamilya. Iyong mga babies malalaki nang lahat,” ang sabi pa ni Ate Vi.

At her age, talagang dapat nga siguro may apo na siya, kaso wala pa namang asawa ang sino man sa dalawang anak niya, at mukhang wala pa ring maliwanag na plano kung may mangyayari ngang kasalan in the near future.

Sinasabi nga ni Ate Vi, “may choice ba ako kung hindi maghintay na lang”.

Pero may isang bagay na hindi napapansin si Ate Vi. Dahil wala pa nga siyang apo hanggang sa nga­yon, aba eh ang tingin tuloy ng mga tao sa kanya ay bata pa. Siya ang puwede pang gumawa ng love stories sa pelikula. Eh iyong ibang mga kasabayan niya, dahil naglalabasan na ang mga apo na malalaki na rin, aba eh ang tingin tuloy sa kanila ng mga tao ay napakatanda nang talaga.

Pero sabihin mo mang maganda para sa image ni Ate Vi na wala pa siyang apo hanggang ngayon, eh hindi na naman kasi pinag-uusapan ang image sa kanya eh. Hindi na rin naman kasi siya umaasa sa image lamang. Kilala na siya ng mga tao kung sino siya talaga. Dahil din sa kanyang pagiging public servant, mas napalapit na sa kanya ang mga tao at hindi na nga siguro kailangan ang isang image na ganoon. Pero sa fans, bagama’t sinasabi nilang gusto na rin nilang magkaroon ng apo si Ate Vi, natutuwa rin naman sila na hindi pa rin nagbabago ang kanyang image.

Ang tanong na lang, kailan nga kaya magkakaroon ng apo si Ate Vi? Sa tingin namin baka matagalan pa rin.

Painting ni Jao Mapa mabenta!

Naghahanda na si Jao Mapa para sa isang solo exhibit, na maaari naman niyang gawin dahil may ilang paintings na siyang nakahanda para roon. Iyong iba nga niyang paintings ay bahagi pa rin ngayon ng isang art exhibit ng mga Angono artists sa isang mall sa Angono, at sinasabi nga nilang ang mga obra ni Jao ay pinaka maraming tumitingin, at sinasabi ring “the most photographed pieces”. Pinapayagan naman kasi nila ang kumukuha ng pictures sa kanilang exhibit.

May offer na nga raw sa kanya na mag-exhibit nang solo, kaso kailangan pa niyang gumawa ng mas marami pang paintings. Karamihan kasi ng trabaho niya na nailalagay on exhibit ay nabibili agad. Bukod kasi sa magaganda naman ang trabaho niya na karamihan ay nagpapakita ng local color, natural iba ang dating nang ang painting na nabili mo ay ginawa ng isa ring mahusay na actor, si Jao Mapa.

Maikakaila bang ang popularidad niya bilang actor ay nakakadagdag sa value ng kanyang paintings?

JAO MAPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with