Elmo at Janella, napilitan lang magsama sa show
Elmo Magalona, Janella Salvador
Elmo at Janella, napilitan lang magsama sa show
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 9, 2018 - 12:00am

As I write this, ka-text ko si Lerma dela Cruz, dating singer at promoter ng One Magical Night Canada 2018 Tour nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Elmo Magalona at Janella Salvador.

Nasa Toronto, Canada na ang group nila para sa show nila roon.

Tinanong ko si Tita Lerma kung ayos na ayos na ba ang ElNella love team?

“Medyo,” ang text back niya sa akin.

 As in comfortable na sila na nag-uusap?  pang-uusisa ko pa.

“Hindi masyado, pero okey naman. Kasi mga professional naman sila,” text back pa ni Tita Lerma.

Hmph! So, ayos sila professionally dahil kailangan at may show nga sila para hindi rin maipit ang producers ng concert tour nila, pero hindi pa talaga sila ayos sa personal level?

So, malabong magkabalikan talaga ang dalawa?

Ang tanong naman ng ibang mga ElNella fan – ipagpapatuloy pa ba ang love team ng dalawa o tama ang duda ng ma­rami na bubuwagin na nga ‘yon?

Well…

Rico hinahanapan na ng kapalit sa concert

Past 2:00 p.m naman kahapon nang maka-chat ko ang concert producer na si Anna Puno.

Katatapos pa lang daw ng li­bing ng yumaong singer/comedian na si Rico J. Puno.

Si Anna ang madalas na mag-produce ng mga concert ni Rico at sister-in-law ito ng tinaguriang The Total Performer, kaya isa siya sa mga namahala sa libing ng yumaong singer/comedian.

Tinanong ko si Anna kung sinong mga celebrity ang nakipaglibing, pero ang sagot niya sa akin ay, “Wala nang sumama. Pero last night naman, ang daming pumunta at nag-perform pa!”

Sa ngayon nga pala ay inaayos pa ni Anna kung sino ang ipapalit niya kay Rico sa February 13 show sana nila sa Resorts World Manila.

Baka gawing tribute rin ‘yon kay Rico, pero dahil kalilibing pa nga lang ng brother-in-law niya, babalitaan na lang daw ako ni Anna ng tungkol doon next week.

Inigo at Maris grabe ang pda sa Amerika

Sobrang sweet daw nina Inigo Pascual at Maris Racal habang magkasama sa Amerika para sa Father & Son show roon with Piolo Pascual.

Obvious na sobrang in love si Inigo kay Maris.

Kitang-kita ‘yon sa mga titig ni Inigo sa girlfriend.

May mga nagsasabing dapat ay maghinay-hinay muna sina Iñigo at Maris at mas dapat na mag-focus sa kanilang mga career.                                                                                  

Bora, wedding destination pa rin

Umalis na si Ruffa Gutierrez sa Boracay island kahapon.

Tapos na ang wedding na pinuntahan nila roon.

Bumalik naman sa Boracay kahapon si Say Alonzo, pero a-attend daw siya ng wedding.

Invited din daw sa wedding na ‘yon ang PBA player na si Chris Tiu, pati si Fabio Ide.

Wedding destination pa rin ang Boracay dahil kabubukas pa lang ng nasabing island ay ilang weddings na ang naganap at magaganap doon!

ELMO MAGALONA JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with