^

Pang Movies

Walang pahinga, Marian sunod-sunod ang endorsement ng mabuntis

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Walang pahinga, Marian sunod-sunod ang endorsement ng mabuntis
Rhea at Marian

Ratsada si Marian Rivera bilang Endorsement Queen. Ilang araw matapos ang pagkuha sa kanila nila ni Maine Mendoza bilang endorsers, heto’t siya ang kinuhang unang celebrity endorser ng Beautederm Home na .

Feeling jackpot nga ang owner ng Beautederm na si Rhea Tan dahil hindi na siya nahirapang kumbinsihin si Yan Yan na maging endorser. Mahilig pala siya mga scent na environment friendly at swak sa pagiging buntis niya.

Ang bongga sa offer ng Beautederm, binigyan ng laya ni Tan si Marian sa amoy at lalagyan ng scented candles na bagong produkto ng kumpanya. Eh aminado ang Endorsement Queen na metikoloso pagdating sa amoy sa bahay kaya aprubado agad ang alok sa kanya ni Ms. Tan.

JK nanindigang hindi siya ang nag-tweet kay Darren

Inabot hanggang kahapon ang bangayan sa Twitter ng singers na sina Darren Espanto at Juan Karlos Labajo. Walang direktang nakaaalam kung ano ang simula ng away nila na nu’ng The Voice Kids pa pala nag-ugat.

Eh sa huling tweet ni Darren, may binanggit siyang magkita na lang sila sa korte ni JK.

Depensa naman ni JK, hacker ang nag-tweet ng hindi magaganda kay Darren.

“It’s so hard to defend yourself because the more you do it mas hindi kapanipaniwala pero kung tatahi-tahimik ka lang din, para ka naring nag-admit na tama ang mga hinala nila. Gulo ng sistema diba?”

Basta ang diin ni JK, hindi siya ang nag-tweet laban kay Darren at hacker daw niya ‘yung gumawa nito.

“Mamatay na lahat ng tao na mahal ko at nagmamahal sakin once and for all, hindi ako nag nag-tweet nun at hindi siya ang pinag-uusapan naming sap bb dati yun lang,” diin ni JK.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

RHEA TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with