Makati Mayor Abigail Binay
Binuko ni Mayor Abby, Rico apat na beses na-emergency last month
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 24, 2018 - 12:00am

Kahapon sa tsikahan ng entertainment press with Makati Mayor Abigail “Abby” Binay ay natanong sa alkalde kung ano ang masasabi niya sa paglisan sa kanya ng mga kaalyado niyang artistang politiko na sina Representative Monsour del Rosario at Councilor Rico J. Puno.

Diretso at walang paliguy-ligoy ang sagot ni Mayor Abby, isang bagay na nagustuhan sa kanya ng entertainment press.

“Monsour and I had a falling out early this year. Dati pa. I felt that he wasn’t working. He was really more focused on his Taekwondo, ‘yung Olympics, whatever. Na parang hindi siya nararamdaman sa district, so nagkaroon kami ng desisyon na maghiwalay,” paliwanag ni Mayor.

Dagdag pa niya, “for 2 years, wala talaga siyang ginagawa, pasensiya na. Hindi siya nalalapitan ng tao, hindi siya napupuntahan, hindi siya nagpaparamdam.”

Nawala na rin sa partido niya si Councilor Rico Puno at lumipat naman sa grupo ng kanyang kapatid na si Junjun Binay na tatakbong Mayor ng Makati sa 2019 elections at lalabanan siya.

 “Si Rico J. naman, unfortunately, he has been very very sick and he has decided to go with the 13 other councilors who left me. Pero kasi si Rico J, he was supposed to run under my ticket for Councilor. Ako, ang sinasabi ko parati, “Rico, magpagaling ka” kasi grabe ang abuso sa katawan,” sabi ni Mayor Abby.

 Dagdag pa niya, “if I’m not mistaken last month, he was in the hospital emergency room more than 4 times. I don’t know how he can still campaign. I wish him the best. I’m hopeful that he prioritizes his health more than anything else. Kasi ‘yung trabaho, anhin mo ‘yung trabaho kung hindi ka makapagtrabaho.”

Nakapag-file na ng kanyang certificate of candidacy si Mayor Abby for her second term at maglalaban sila ng kapatid niyang si Junjun na pinalitan niyang Mayor.

Sina Junjun at Abby ay mga anak ni dating Vice President Jejomar Binay.

Small but terrible talaga si Jo Berry dahil timeout muna sa heavy drama ang Onanay lead star sa pagbisita niya sa tahanan ni Pepito Manaloto (Michael V.) noong Sabado ng gabi.

 Isang bagay ang pinatunayan ni Jo—kaya rin niyang makipagsabayan sa comedy. Hindi kasi siya nagpahuli kila Bitoy at John Feir sa hamon nito na ubusin ang isang siopao na tila mas malaki pa sa kanya.

Marami ang pumuri sa natural na pag-arteng ito ni Jo. In fact, waging-wagi ang episode nilang ito kumpara sa katapat na programa sa kabilang istas­yon.

Karamihan din sa nabasa naming comment ay sana raw isama na rin sa barkadahan ng Pepito Manaloto ang Kapuso star.

ABIGAIL BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with