Marian na-touch sa pag-atras sa 2019 ni Dingdong

Dingdong

Touched na touched si Marian Rivera sa na­ging desisyon ng mister niyang si Dingdong Dantes na huwag nang tumakbo ngayong eleksyon para lang maalagaan siya sa kanyang pagbubuntis.

 

“Na-touch ako sa asawa ko na ang priority raw niya ay ang pamilya namin,” sey ni Marian sa presscon nila ni Maine Mendoza for Maxi-Peel Zero held lat Friday, “especially buntis ako, gusto niya parati siyang nandiyan anytime na kailanganin ko siya.

“So, na-touch naman ako na between yung gusto niya na mangyari para sa bansa, na nandiyan din naman, mas ano niya na ‘kailangan mo ‘ko, eh, kailangang nandiyan ako para sa ‘yo.’ Siyempre, na-touch naman ako.”

Hiningi rin ba ni Dingdong ang advice niya tungkol dito?

“Oo naman, nag-uusap naman kami. Basta kahit anon’g gawin ng asawa ko, susuportahan ko siya. Ganu’n ko siya kamahal at ganu’n din ako naniniwala sa kakayahan niya.

“Basta kung ano ang sinabi niya sa Instagram, ‘yun ‘yung napag-usapan namin,” she said.

May kaunting baby bump na si Marian at ayaw niyang sabihin kung ilang buwan na siyang nagdadalangtao. Basta raw 2019 siya manganganak.

Hindi naman daw siya hirap sa ikalawang pagbubuntis niya at enjoy nga raw siya. Of course, mas okay raw kung lalaki na ang kanyang 2nd baby dahil may babae na siya, si Zia na magta-tatlong taon na sa Nov.

“Pero kung ano ang ibigay sa akin ng Pa­nginoon, kung babae, sabi ko nga kay Dong, ‘swerte mo, all girls kami, nag-iisa kang lalaki, di ba?’ So kahit ano, okay sa akin basta normal at healthy dahil mayroon pa akong dalawang chance kasi apat ang anak na gusto ko,” sey pa ni Marian.

Dahil nga preggy siya, medyo bawas-bawas na rin ng trabaho at sa ngayon daw, ang kaya lang niyang gawin ay Sunday Pinasaya at Tadhana.

Maine nakatikim din ng lambing ni Coco

Speaking of Maine, ibinalita ng phenomenal star na natapos na nila ang shooting ng Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Poy: The Puliscredibles kung saan ay kasama niya sina Coco Martin at Vic Sotto.

“Kakatapos lang po last Sunday. Mixed emotions po ako kasi masaya ako na finally tapos na pero malungkot din ako kasi, finally tapos na, kakalungkot.”

Maine has all praises para sa kanyang leading man na si Coco.

“Sobrang bait po, sobrang gentleman, sobrang lambing at ganu’n po siya sa lahat ng tao sa set,” she said.

Masaya si Maine dahil kasama niya ang kanyang ate Yan bilang endorser ng Maxi-Peel Zero.

“Masaya kasi ito po ‘yung first product na in-endorse namin together at sana nga po, hindi po ito ang last,” aniya.

Show comments