^

Pang Movies

Mayor HB hindi na nga ba kakandidato?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor HB hindi na nga ba kakandidato?
Herbert Bautista

Wondering ang fans and supporters ni Que­zon City Mayor Herbert Bautista dahil walang news noong Miyerkules tungkol sa filing niya ng certificate of candidacy.

Huling araw ng pagsusumite ng COC noong October 17 kaya takang-taka ang mga nag-aabang sa announcement ni Herbert na kakandidato ito na house representive dahil last term na niya bilang mayor ng Quezon City.

Nainterbyu si Vice Mayor Joy Belmonte sa World Pandesal Day event ni Wilson Flores noong Martes at sinabi niya ang kanyang suporta sa congressional bid ni Herbert.

May mga nag-iisip na baka wala nang plano si Herbert na tumakbo pero mas believable ang haka-haka na ibang tao o posibleng lawyer niya ang nag-file ng kanyang COC sa Comelec dahil puwede naman ito tulad nang ginawa ni Edu Manzano.

Good example din ang filing ni Bong Revilla, Jr. ng COC noong Miyerkules. Dahil nakakulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame, ang kanyang misis, si Bacoor City Mayor Lani Mercado ang nag-file ng COC ni Bong.

Malalaman din sa mga susunod na araw ang sagot sa misteryo ng kawalan ng news tungkol sa submission ni Herbert ng COC niya kaya mag-abang-abang lang ang kanyang mga wondering supporter.

Barakong aktor na ‘di nawawalan ng girlfriend nakipag-one night stand sa isang gay actor

Consistent ang kuwento ng isang gay actor na nagkaroon sila ng one-night stand ng aktor na barakung-barako ang image.

Walang image na sinungaling ang gay actor kaya mas marami ang naniniwala sa kanya.

Dahil sa kuwento ng gay actor, pinagdududahan na rin ang barakong aktor. May mga moment kasi na napapansin na nagiging malamya ang kanyang mga kilos at pananalita.

Hindi nawawalan ng girlfriend ang barakong aktor pero hindi naman sapat na basehan ‘yon para sabihin na hindi siya pumapatol sa kapwa lalake dahil may mga artista na dual ang personality.

Sharon parang teenager uli dahil kay Richard

Nagsimula na ang shooting sa Ormoc City ng Three Words to Forever, ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Tuluy-tuloy as in walang patlang ang shooting ng pelikula dahil may hinahabol na November playdate ang Star Cinema.

Parang teenager uli si Sharon na nagmistulang paparrazi dahil palihim niya na kinunan ng video si Richard habang nagbabasa ito ng script sa set ng kanilang pelikula.

Nahuli ni Richard si Sharon sa ginagawa nito at makikita ito sa vi­deo na mismong ang aktres ang nag-post sa social media.

Malakas pa rin ang kilig ng loveteam nina Sharon at Richard na napatunayan sa 40th anniversary concert ng Megastar sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang buwan dahil sa malakas na tilian at palakpakan ng audience.

Kasal nina Sen. Koko at Kathryn pinaghalong showbiz at pulitika

Ikinasal kagabi sa Coconut Palace sina Senator Koko Pimentel at Kathryn Yu.

Mahigpit ang security sa Coconut Palace dahil kabilang sa mga principal sponsor si President Rodrigo Duterte.

Six pm ang imbitasyon sa civil wedding ni Senator Koko at ng kanyang fiancé pero maaga ang calltime sa mga bisita dahil isasara ng eksaktong 5:15 pm ang gate.

Pinaghalong showbiz at pulitika ang civil wedding ng Pimentel couple dahil mga principal sponsor din sina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa at ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Invited guests ang mga who’s who sa politics pero mahigpit na ipinagbawal ang mga cellphone. Ang official photographer na lang ang magbibigay sa media ng wedding photos ng newly weds.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with