Mga kakandidatong artista, kanya-kanyang paandar sa filing ng COC

Jinggoy Estrada

Alam mo, Ateng Salve, ang bongga rin ng filing ng Certificate of Candidacy ng mga politiko, lalo na ‘yung mga taga-showbiz, huh!

Karamihan sa kanila ay naka-live sa Facebook, Instagram, Twitter at iba pang social media platforms, kaya naman ang followers nila, napapanood at nakakapag-comment kaagad!

Noong isang gabi nga, pinanood ko ang live video ni Precy Estrada ng presscon ng mag-ama niyang si Former Senator Jinggoy Estrada at San Juan Vice Mayor Janella Estrada at ng kanilang mga kapartido.

Napanood ko rin sa FB ni Precy ang live video ng “launch” ng One San Juan team nila kung saan ay kandidato na bilang mayor ng kanilang lugar si Janella.

Doon ko nakita na kapartido rin pala nila si Edu Manzano na tatakbong congressman sa San Juan.

Anyway, nasa FB din kahapon ni Precy ang pagpa-file naman ni Jinggoy ng CoC para sa muli nitong pagtakbo bilang senador.

Manager ng sikat na aktor, walang malay sa kalakaran sa showbiz

May talent coordinator ng isang sikat na TV show ang nagulat nang mag-inquire siya sa manager ng isang kilalang aktor.

Okey naman daw na kausap si manager, pero parang hindi raw ito sanay sa kalakaran sa showbiz.

Ang gusto raw kasi ni manager, magbigay ng down payment si talent coordinator para sa guesting ng alaga niyang aktor sa kanilang TV show na sobrang sikat.

Eh, hindi naman ganoon ang kalakaran sa mga TV guesting lalo na kung sa top TV network ‘yon belong.

Nakakaloka lang daw kasi ang gusto ng manager dahil ito raw ang kauna-unahang manager na nag-“demand” sa kanila ng ganoon.

“Saka ang tagal din niyang sumagot, kaya hindi na lang namin kinuha ang ala­ga niya,” sey pa ng talent coordinator na nakatsikahan ko.

Well, ‘yan na lang ang nasabi ko!

P.A. ni Alden inaabangan kung matutulad kay Moi

Naku, Ateng Salve, nakakabilib din itong si Mama Ten-Ten o Kendoll ng Eat Bulaga.

Personal assistant siya ni Alden Richards at kahit nabigyan na siya ng break sa Eat Bulaga at nanalo pa ngang Best New Male TV Personality sa Star Awards for Television noong Sunday, ang aktor pa rin naman ang priority niya.

Kahit nga may mga kumukuha sa kanya para mag-artista o mag-appear kung saan-saan, tumatanggi siya kapag may schedule ang si Alden.

Mukhang wala nga talagang balak si Kendoll na mag-full time sa kanyang showbiz career.

Si Moi Bien na dating personal assistant ni Piolo Pascual ay naging full time na sa kanyang showbiz career, pero sumasama-sama pa rin naman sa aktor kapag may bakanteng oras.

Si Kendoll kaya ay matulad din kay Moi in the future?

Well...

Show comments