Pulitika mas pinag-iinteresan ng mga manonood

Derrick & Sanya

Obvious na mas abala ang karamihan ngayon sa pagsubaybay sa mga kaganapan sa pulitika. Kakaunti ang mga nanonood ng sine. Nang rumampa kagabi ang isa kong friend sa mga sinehan, nalungkot siya dahil iilan ang pumapasok at nanonood ng sine.

Hoping and wishing siya na madadagdagan ang mga tao sa sinehan ngayong weekend.

Palabas sa kasalukuyan ang Wild and Free starring Derrick Monasterio and Sanya Lopez at ang Liway starring Glaiza de Castro.

Magkalayo ang genre ng pelikula pero parehong interesting. Ang Wild and Free ay maiinit ang eksena nina Sanya at Derrick habang matapang naman ang ginampanang character ni Glaiza.

Makulay ang mga pangyayari sa pulitika sa ating bansa sa kasalukuyan lalo na nga’t nagsimula na kahapon ang filing of candidacy ng mga kakandidato sa mid term elections na magaganap next year kaya nga mukhang piyesta pa rin ang Intramuros, Manila kung saan andun ang opisina ng Commission on Elections.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Wild and Free and A naman ang Liway.

Cherie napa-react sa acting ni Ejay

In all fairness, nakakatuwa ang role ni Ejay Falcon sa Korean drama na Where Stars Land. May trailer siyang inilabas sa Facebook account niya at bongga nga ang acting niya.

 Kahit ang magaling na aktres na si Cherie Gil ay napa-comment sa ginawa ni Ejay. “Impressive! Wow EJ. ang laki ng evolvement and growth mo bilang Aktor! Can’t believe it ! Hahaha. No really. Congratulations ! At parang kamukha Mo pa si FPJ minsan nung bata pa siya. No really! Lol  O Ayan ! Bawi na ako.”

Ang Kapuso actress na si Lauren Young ang kasama niya sa nasabing K drama.

Show comments