^

Pang Movies

Migo, Kelley at Ruru aliw na aliw sa pagboboses sa Barangay 143

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Migo, Kelley at Ruru aliw na aliw sa pagboboses sa Barangay 143

Alam mo, Ateng Salve, sayang at birthday break mo kahapon at hindi ka nakasama sa Barangay 143 LRT 2 promo tour dahil ang saya-saya.

Game na game nga ang mga artistang nag-voice sa lead characters sa nasabing animé series na magsisimulang ipalabas sa GMA 7 on October 21.

Nakita ko nga ang pagkaaliw nina Migo Adecer, Kelley Day at Ruru Madrid sa promo tour nila na ‘yon.

Of course, naaliw din ang mga pasahero ng LRT 2 nang makita ang mga taga-Barangay 143.

Mapupuri nga pala ang tatlo dahil kahit nag-voice lang naman talaga sila sa characters ng Barangay 143 ay ang sipag-sipag naman nilang mag-promote, huh!

May iba kasing mga artista na kailangan pang pakiusapan na mag-promote ng kanilang mga proyekto, kaya kapag nag-flop, nasisisi tuloy sila at nakakasira rin naman sa kanilang mga image, ‘noh?!

Martin hindi marunong magreklamo

Ako ang naloka sa tindi ng schedules dito sa bansa ni Martin Nievera hanggang umalis siya pa-USA para sa concert tour niya roon.

Araw-araw ang schedules niya hanggang October 4 na manggagaling pa siya sa Cebu.

Pero ang maganda nga kay Martin, ine-enjoy niya ang kanyang trabaho.

Kahit nga naka-36 years na si Martin sa showbiz, kita-kita pa rin sa kanya na nag-e-enjoy siya sa bawat project na kanyang ginagawa.

Actually, thankful nga si Martin na sa tagal niya sa showbiz ay marami pa rin ang kumukuha talaga sa kanya.

Ang maganda pa kay Martin, never nga siyang nag-complaint na puro trabaho na lang siya.

May iba kasi ako na mga kakilala na noong kasikatan nila ay panay ang reklamo dahil wala na raw pahinga at nang mawalan na ng mga project ay halos magmakaawa naman na magkatrabaho.

Dating bold star na nakulong dahil sa droga, gusto ring umeksena sa AP

Sabi ng isang dating bold star na na-involve sa drugs at nakulong pa, okey na okey na raw siya ngayon.

Nagbago na raw si dating bold star for the better.

Pinasalamatan din niya ang tatlong mga anak niya na never daw siyang hinusgahan.

May mga nagkomento naman sa sinabi ni da­ting bold star na sana ay magkaroon siya nf showbiz comeback.

Sabi pa ng isa, sana raw ay bigyan ng chance ni Coco Martin ang dating bolld star at kunin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Actually, ang series ni Coco ang nagiging daan para magkatrabaho uli ang ibang mga dating artista na noong kasikatan nila ay parang hindi na-apprecite ang kanilang career at ang mga perang kinikita nila that time kaya ngayon ay halos magmalimos na bigyan sila ng another chance.

Anyway, mabait naman ang aktor at hindi nagkakait ng tulong sa mga artistang ‘yon na gustong magkaroon uli ng trabaho.

vuukle comment

MIGO ADECER

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with