^

Pang Movies

Kesa mag-ingay sa social media Jenine pinayuhang magdemanda na lang sa nanakit kay Janella

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Batay sa post ni Jenine Desiderio sa social media, nakarating na sa kanya ang physical abuse na naranasan ng anak na si Janella Salvador sa hindi pinangalanang tao nina Janella at Jenine.

 

Nag-comment si Jenine ng, “Truth is always objective. Based on facts. It is never subjective. There is only one truth in every story. It remains consistent steadfast & congruent with facts. Any deviation from that just becomes a mere opinion, which is formed by one’s perception of info plus personal judgement. #NOtophysicalviolence #NOtomenwhophysicallyabusewomen.”

Pero dahil hindi pinangalanan ni Janella kung sino ang may gawa ng bruises at pangingitim ng likod ng right arm niya, wala ring binanggit na pangalan si Jenine.

In fact, binura ni Jenine ang sagot niya sa netizen na nag-comment sa Instagram niya (Jenine) na naaawa sa taong tinukoy na nanakit kay Janella at fake news daw ang nabalita.

“OH PLEASE!!! It’s NOT FAKE NEWS!!!” at “Stop all this cover up & denials. Managot ang dapat managot . Physical injury is a serious matter,” sagot ni Jenine sa netizen, kaya nga lang, deleted na ang convo nina Jenine at ng netizen.

May nagpayo kay Jenine na sa halip na mag-ingay sa socmed, bakit hindi na lang siya magdemanda para makilala na kung sino ang nanakit kay Janella. Kaya pala nalaman ang nangyari kay Janella dahil nag-post si Julia Barretto sa Instagram

niya ng litrato ng namumulang braso ni Janella.

Maureen bagong Dabarkads sa Eat Bulaga?!

Ang model at 1st Pinay winner ng Asia’s Next Top Model na nga kaya na si Maureen Wroblewitz ang tinutukoy na papasok at bagong dagdag sa Eat Bulaga?

Nabalita na raw ang pagpasok ni Maureen sa EB at sa Saturday episode nito, may nabanggit si Ryzza Mae Dizon na pangalang “Sissy” at kausap niya sa phone.

Sabi ni Joey de Leon, younger sister ni Boss Madam (Ryzza Mae) si Sissy at malalaman natin sa Monday kung ano talaga ang karakter niya. Malalaman din sa Monday kung si Maureen ang bagong dabarkads.

Kung si Maureen nga ang bagong dagdag sa EB, sisipaging mag-guest sa show si Ruru Madrid. May crush kasi ang aktor sa model na minsan nang nag-guest sa Sunday PinaSaya.

Maine at Vic gaganap na mag-ama

Daddy’s Gurl pala ang tamang title ng sitcom na pagsasamahan nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Wally Bayola. Mag-ama ang role nina Vic at Maine, hindi pa alam kung ano ang karakter ni Wally.

Sa pagbisita ni Nelson Canlas sa taping ng Daddy’s Gurl, nakita si Vic na nakaayos babae. First taping day daw ‘yun, na-curious tuloy ang mga nakapanood sa magiging role at karakter nito.

 

vuukle comment

JENINE DESIDERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with