^

Pang Movies

Darren Criss tinalikuran noon ang pagiging pinoy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Darren Criss tinalikuran noon ang pagiging pinoy
Darren Criss

Happy ang ibang mga Pinoy sa parangal na natanggap ni Darren Criss, ang Primetime Emmy Award for Outstanding Lead Actor in a Limited Series or Movie dahil sa pagganap niya na Andrew Cunanan sa Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.

Parang nanalo na rin ng award ang mga Pilipino dahil may Filipino blood si Darren.

Pareho sila ni Andrew na may dugong Pinoy at binansagan na spree killer noong 1997 dahil sa pagpatay sa limang tao, kabilang ang sikat na sikat noon na fashion designer na si Gianni Versace.

Big news noong July 1997 ang mga krimen na ginawa ni Andrew pero sinimulan nito ang pagpatay noong April 1997.

Hindi ko makakalimutan ang pagtugis ng police authorities kay Andrew dahil may live coverage ito noon sa CNN. Kinitil ni Andrew ang sariling buhay nang masukol siya ng mga pulis sa isang houseboat sa Miami, Florida.

Dinala ni Andrew hanggang sa kamatayan nito ang tunay na dahilan ng pagpatay niya. May mga nagsabi na naghihiganti si Andrew dahil natuklasan nito na HIV positive siya pero negative ang resulta ng autopsy sa kanya.

Ang tatay ni Andrew na si Modesto ang Pinoy dahil tubong-Pampanga ito.

Wala nang nakakaalam sa kinaroroonan ni Modesto. May mga nagsususpetsa na baka wala na rin ang tatay ni Andrew dahil 74-years old na siya noong 1997. Kung nabubuhay pa ngayon si Modesto, 94-years old na siya.

Kumalat noon ang balita na umuwi ng Pilipinas si Modesto para gumawa ng documentary movie tungkol sa kanyang anak.

Naglabas ng report ang Los Angeles Times noong 1997 tungkol sa pagbalik ni Modesto sa Los Angeles pero twenty one years ago pa ito as in marami na ang nangyari.

Pilipina naman ang nanay ni Darren Criss na mula sa Cebu.

Naging kontrobersyal si Darren noong March 2018 dahil sa alegasyon na tinalikuran niya ang pagiging Pilipino.

Nasaktan ang mga Pinoy sa mga pralala ni Darren sa interview sa kanya ng Vulture.

Hurt na hurt ang mga Pinoy sa sinabi ni Darren na

“My mom’s Asian American. She’s from the Philippines and came here and then married a white guy, and here I am.

“I always say one of my favorite things about myself is that I’m half-Filipino but I don’t look like it, I just look like a Caucasian guy, which is nice. I’ve got the multi-ethnic thing going on. People think I’m like Italian or Mediterranean.

“Somebody was talking about Asian-American representation, and he’s like, ‘I don’t see a lot of stuff for Filipinos specifically,’ and I went, ‘I guess not, but I guess I don’t think about it.’

“I have the luxury of being half-white and looking more Caucasian, so it doesn’t weigh on my conscience as much, like, ‘Ugh, why aren’t there more roles?’

“I think as an actor, you just study and you wanna bring your ‘A’ game all the time and hopefully it doesn’t even matter,” ang pralala ni Darren na umani ng mga batikos.

Para mabawasan ang tampo sa kanya ng mga Pinoy na nainsulto, nag-tweet si Darren ng “Just to clarify- 1 of my favorite things about myself is that I’m half Filipino. PERIOD.

“I happen to not look like it, but THAT fact is not what I like. I like the fact that most people don’t know it’s an ace up my sleeve, an ace I’m very proud of, regardless of what I look like ” pero imbyerna pa rin sa kanya ang ilan sa mga kababayan natin.

vuukle comment

DARREN CRISS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with