Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado
Mag-ex na Luis at Jennylyn, sumali sa pelikula ni Jessy
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 20, 2018 - 12:00am

Pinasalamatan ni Atty. Joji Alonso sina Jennylyn Mercado, Luis Manzano at Boy Abunda sa cameo appearance nila sa MMFF entry ng Quantum Films na The Girl In The Orange Dress. Pinost ni Atty. Joji ang picture nina Jennylyn at Luis nang mag-shooting ang dalawa, kasama si Jericho Rosales.

Magkaibang araw nag-shooting sina Jennylyn at Luis, kaya hindi sila nagkita. Saka, kung magkita man, walang isyu dahil matagal na silang nakapag-move on sa kanilang break-up.

Lalo namang walang isyu kay Jessy Mendiola, ang present GF ni Luis at isa sa mga bida ng The Girl In The Orange Dress dahil wala siyang kinalaman sa paghihiwalay noon nina Jennylyn at Luis. Maganda sana kung may eksenang magkasama sina Jennylyn at Jessy, pero mukhang wala.

Kung hindi nagkita sina Jennylyn at Luis sa shooting, posible kayang magkita sila sa premiere night ng movie? Ito ay kung pareho silang dadalo sa premiere night.

Dahil din sa pagka-cameo ni Jennylyn, nagre-request ang fans ng sequel sa Walang Forever, ang 2015 MMFF entry ng Quantum na pinagtambalan nina Jennylyn at Jericho. Nabitin ang moviegoers dahil namatay ang karakter ni Jericho sa pelikula.

Monsour wala nang alam sa showbiz

Naging TBT o Throwback Thursday ang interview namin kay Monsour del Rosario para sa September 26 showing ng action movie na The Trigonal dahil after pag-usapan ang pelikula, tsikahan na ang sumunod.

Out of touch sa showbiz si Monsour, hindi na alam ang nangyayari sa showbiz at nagulat pa dahil ang mga kinumusta niya ay namatay na nang hindi niya alam. Politics at sports ang daigdig ni Monsour ngayon at nakipagkita lang sa friends niya sa showbiz dahil sa nabanggit na movie.

May dalawa pa siyang kasunod na pelikulang ipalalabas, kaya mapapadalas ang pagkikita ni Monsour sa mga kaibigang reporter. May drama/millennial movie siyang Because I Love You at isa-submit niya sa MMFF ang action film na Blood Hunters: Rise of the Hybrids  na siya na ang bida. Kundi mapipili sa MMFF, sa January 2019 ang target playdate ni Monsour sa movie.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with