Gary mas emotional na

Feeling honored si Gary Valenciano na nabigyan siya ng pagkakataon na kantahin ang bagong official soundtrack ng Ang FPJ’s Probinsyano na Ililigtas Ka Niya.

 

Naririnig na ang natu­rang kanta sa palabas na nagpaiyak sa maraming manonood sa matinding eksena  nang iligtas ni Cardo ang president na ginagampanan ni Rowell Santiago.

Sobrang intense ng mga episode ngayon sa naturang serye na nagpapagalit sa mga viewers, pero tuwing naririnig ang kanta ni Gary ay nagpapakalma naman sa kanila.

Ang ganda ng lyrics nito na unang pinarinig ni Gary V. nang tumanggap siya ng Dangal Levi Celerio’s Lifetime Achievement Award mula sa PMPC nung Linggo.

Nagpapasalamat si Gary V. sa lahat ng TV network na pinayagan siyang kumanta ng mga theme song ng mga teleserye.

Sa paglipas ng panahon ay mas nahubog ang kanyang pagiging OPM artist. Mas naging emotional para kay Gary ang bagong single dahil sa health challenge na naranasan nito kamakailan.

Show comments