^

Pang Movies

Marlo may pangako sa nanay na namayapa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Marlo may pangako sa nanay na namayapa
Marlo

Siguro nga napakasakit para sa aktor na si Marlo Mortel ang nangyari sa ermat niya. Ilang araw ang nakaraan, parang alam na niyang hindi na rin naman magtatagal ang buhay ng kanyang ina. Nasabi na niyang mukhang mawawala na iyon sa kanila, ganoon pa man hiningi niya ang pana­langin ng kanyang mga kaibigan at sinabing parang hindi pa siya handang maulila sa kanyang ina.

 

Pero sa kabila nga ng napakaraming pana­langin, at sa pagsisikap naman nilang maibigay sa kanyang ina ang pinaka mabuting atensiyong medical, talagang dumadating ang katapusan ng buhay ng isang tao, at iyon na nga ang nangyari. Talagang hanggang doon na lang siguro talaga ang buhay ng kanyang ina. Hindi talaga para sa atin ang magsabi kung hanggang kailan natin makakasama ang ating mga mahal sa buhay.

Siguro nga kung makagagaan sa kalooban niya, nawala man ang kanyang ina at mayroon namang isang sumusu­baybay sa kanya mula sa langit, at dahil doon maaaring mas gumanda ang kanyang buhay, maging ang kanyang career. Minsan nga sinasabi nga nila, ang mga artistang nakakaranas ng ganyang sakit sa buhay, nagiging mas sensitibong aktor pa kasi mayroon nang pinaghuhugutan.

Pero siyempre ano pa man ang sabihin mo, talagang masakit ang mawala ang nanay mo.

Dito sa showbusiness, madalas parang sinisiraan ang mga nanay, mula sa pagiging mga stage mothers hanggang sa nagiging talagang pakialamera na. Pero ano man ang dahilan, hindi naman ninyo sila masisisi, dahil ang kanilang pagiging nanay ay hindi natatapos oras na mag-artista ang kanilang anak. Naroroon pa rin iyong responsibilidad nila, at siguro minsan nga ay mali na, pero sa tingin nila iyon ang mas makabubuti para sa anak nila. Mabuti mayroon namang mga bata na kagaya ni Marlo na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang ina.

Malalaking network pahina?

Ilang araw na iyang pinag-uusapan. Hindi naman sinasabing nalulugi, ang sinabi lamang ay bumagsak ang kita ng dalawang higanteng network, ang ABS-CBN at GMA 7 sa unang bahagi ng taong ito. Maraming mga factors kung bakit nangyayari iyan. Una na siguro dahil hindi ganoon kaluwag ang kabuhayan kaya maraming advertisers ang nagtitipid din at ginagamit ang walang bayad na social media.

Iyon lang mga pelikula eh, dati hindi puwedeng wala kang trailer sa telebisyon, ngayon wala na. Iyong trailer nila nasa Facebook at Youtube na lang. Kasi masyado rin namang nagmahal ang advertising cost sa telebisyon.

Doon sa lumabas na study, sinasabing mas mala­king di hamak ang kinikita ng ABS-CBN kumpara sa GMA 7, pero sa record mas malaki ang tinutubo ng GMA 7 kaysa sa ABS-CBN. Kasi, makikita mo naman eh, malaki ang cost of production ng mga shows ng ABS-CBN na tinatambakan nila ng malalaking artista para mapanatili ang ratings. Matindi kung gumawa sila ng opticals. Masyadong marami rin silang mga tauhang binabayaran sa produksiyon at sa creative kaya mas malaki ang gastos. Aba eh lumalabas na mas malaki ang bilang ng production staff ng mga TV shows kaysa sa isang pelikula, lalo na nga kung indie lang ang ginagawa na wala halos tao.

Lumalabas din kasi na mas malalaki ang talent fee ng mga stars ng ABS-CBN kaysa sa GMA 7. Iyon ang dahilan kung bakit lumalabas na hindi man ganoon kalaki ang kita, mas malaki ang tubo ng GMA dahil mas matipid sila sa operations ng kanilang network.

Malalaman natin kung ano pa ang mangyayaring kasunod sa kanilang network war.

vuukle comment

MARLO MORTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with