^

Pang Movies

Dingdong at Dennis inaabangan kung sino ang papalitan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Dingdong at Dennis inaabangan kung sino ang papalitan

Ang tsikang ngayon pa lang daw ay pinag-uusapan na ng GMA 7 management ang planong extension ng teleseryeng Onanay.

Maganda ang feedback sa Onanay nina Nora Aunor, Cherie Gil at Jo Berry.

So, kung mae-extend ang Onanay, ano na kayang series ang papalitan ng Cain At Abel nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na magsisimulang mag-taping na sa Wednesday?

Eh, hindi ba may book two ang Inday Will Always Love You ni Barbie Forteza?

Naku, huwag sabihing ang Victor Magtanggol ang papalitan ng Cain At Abel at kasisimula pa lang nila, huh!Cast ng Cain at Abel kumpleto na

Ang look-test shoot ng cast ng Cain At Abel kahapon.

Sinamahan ko roon si Eddie Gutierrez na gaganap na tatay nina Dennis at Dingdong.

Nakita ko roon sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez, pati sina Boy2 Quizon, Ronnie Henares, Dingdong at Carlo Gonzales.

Nang umalis kami ay wala pa sina Dina Bonnevie, Chanda Romero, Dennis Trillo at iba pa.

Hindi na naman lihim ang cast ng Cain At Abel dahil nag-story conference na sila.

Rayver tuloy na sa Siyete, muntik sa Cain at Abel

May nakapagbulong sa akin na totoong lilipat na sa GMA si Rayver Cruz.

Dapat daw ay sa Cain At Abel siya ika-cast, pero ibang show na lang ang paglalagyan sa kanya.

Hindi kaya isama siya sa cast ng Victor Magtanggol kung saan ay leading lady ni Alden Richards ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez?

Ay, hindi pa nga pala umaamin ang dalawa sa napapabalitang relasyon nila!

Lovi ayaw pag-usapan ang past nila ni Jolo

Ang ganda-ganda ni Lovi Poe sa white dress niya sa 80thbirthday party ng Regal producer na si Mother Lily Monteverde.

Biniro ko si Lovi na lumabas sa Facebook timelime ko ang picture nila ni Jolo Revilla.

Sabi ko kay Lovi, year 2008 ‘yon at sila pa ni Jolo ang magkarelasyon.

Natawa na lang ang dalaga at hindi na nagkomento pa.

Siyempre, si Chris Johnson na ang karelasyon ngayon ni Lovi.

Pokwang hiyang-hiya sa mga Davaoeño

Dapat pala ay may parade noong weekend sa Davao si Pokwang para sa isang endorsement niya.

Hindi natuloy ‘yon dahil cancelled ang flight ni Pokwang.

Nag-try pa rin na pumunta sa airport si Pokwang, pero hindi rin siya natuloy.

Hiyang-hiya ang komedyana sa mga fan niya na nag-abang sa kanya sa Davao, pero hindi naman niya kagustuhan ang nangyaring ‘yon.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with