Bela matanda na ang tingin sa sarili

Bela

Expect natin, Salve A., na mu­ling gagawa ang Viva Films ng movie for next year’s PPP, na magtatampok ulit sa tambalan nina Bela Padilla at JC Santos.

 

As expected, muli na namang bumandera bilang top grosser sa first day ng PPP ang pelikula ng dalawa, The Day after Valentine’s.

No need to tell you that their first film together ever, 100 Tula Para Kay Stella, emerged the over-all top grosser in the first PPP.

Ganun pa man, ayon kay Bela, ayaw nilang ma-label sila ni JC na magka-love team. Feeling niya, they are both too old for the title, na pang-tandem lang nina Kathryn Bernardo (Kathniel) at Joshua Garcia at Julia Barretto (Joshlia), aniya sabay tawa.

Mother Lily super proud kay Roselle

“Make your nanay proud,” na sinundan ng “be kind” ang complimentary ending ng late night show ni Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda (TWBA). Ito ang laging ini-impart ni Boy sa kanyang viewers.

So, each morning, Salve, ask natin ang sarili natin kung nagawa ba nating proud ang ating mga ina. Buhay pa man siya, o, nasa kabilang buhay na.

Tiyak na proud si Mother Lily Monteverde, who marks her 80th birthday, August 19, sa kanyang anak na si Roselle (Monteverder-Teo) na siyang tumutulong sa kanya para patakbuhin ang kanyang  movie production empire, ang Regal Entertainment.

No need to tell you na ang kanyang movie na kasama sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 entry, ay siyang second top grosser sa opening day ng nasabing event noong August 15.

Ito ang movie na Unli Life, na tinatampukan nina Vhong Navarro, Joey Marquez at introducing si Winwyn Marquez. Si Miko Livelo ang director ng Unli Life.

Likewise, ang ganda rin ng reviews ng Signal Rock, starring Christian Bables at sa direksiyon ni Chito Roño, na released through Regal Entertainment.

Direk Chito produced Signal Rock for his own film firm, Cape Signal Rock (CSR) Films PH.

Karla inaakusahang gaya-gaya lang sa pagtulong

How unkind naman of some people, Salve, para akusahan si Karla Estrada na gaya-gaya lang ito sa ilang artista natin, tulad ni Angel Locsin, na nagpadala ng tulong sa mga naging biktima ng pagbaha sa Marikina City.

Ang importante, tumulong si Karla sa mga nangangailangan.

E, sila kaya?

Maligayang kaarawan…

Narito naman ang ilan pa sa August-born celebrities.

Sa August 20, the King of Philippines Movies, the late Fernando Poe, Jr., would have turned a year older. Sumakabilang buhay siya noong 2004.

Birthday din ni Phillip Salvador sa August 22.

Isa si Phillip sa lead star ng pelikulang Madilim Ang Gabi, na kasali rin sa PPP, kasama sina Gina Alajar, Felix Roco and Elizabeth Oropesa. Ang Madilim…, directed by Adolf Alix, Jr. under Deus Lux Mea Films, ay tungkol sa tokhang.

August 27 naman ang birthday ni Amalia Fuentes, na nangangailangan ng dasal dahil, we heard, very sick pa rin siya.

August 30 naman ang kaarawan ng ngayo’y sikat na TV director cum producer na si Edgar Mortiz. Balik-acting si Edgar sa top-rating series na Sana Dalawa Ang Puso, kasama sina Jodi. Sta. Maria, Robin Padilla, Richard Yap, Denise Laurel at Alma Moreno.

Show comments