Anne makikipagbiritan kina Regine, Sarah at Aegis!

Anne Curtis

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Viva Live, producer ng Annekulit: Promise Last Na ‘To concert ang guests sa sinasabing last concert na ni Anne Curtis. Nabasa namin ang mga pangalan nina Sarah Geronimo, James Reid, Ex-Battalion, Aegis, at Regine Velasquez sa line-up.

Ultimate singing idol daw ni Anne si Regine, kaya siguradong tuwang-tuwa ito na makasama at maka-duet si Songbird sa concert niya. Maganda ring mapanood silang dalawa ni Sarah at abangan ang pagbirit ni Anne kasama ang Aegis.

Sa Smart Araneta Coliseum gagawin ang Annekulit: Promise Last na ‘To sa August 18, celebration din ito ng 21st anniversary sa showbiz ni Anne, kaya maraming pasabog. si Louie Ocampo ang kanyang musical director.

Bago ang concert ni Anne, mapapanood muna siya sa action film na BuyBust na bukas na ang simula ng showing. May MMFF movie pa siya, kaya tuluy-tuloy ang pasabog.

Miguel at Bianca hindi kayang magtinginan

Napansin ng mga nanood ng Sunday Pinasaya last Sunday ang pag-iiwasan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Pansin na pansin ito ng fans ng dalawa lalo na kung magkasama sila sa eksena dahil kung dati, sweet sila, last Sunday, pati magtinginan ay nag-iiwasan sila.

Hindi masyadong pansin ng TV viewers ang pag-iiwasan nina Miguel at Bianca, pero ang live audience, feel na feel ang malamig na treatment ng isa’t isa. Iyon bang kung pwede lang ipakiusap nila sa scriptwriter at director na ‘wag silang pagsamahin sa eksena ay kanilang ginawa.

Mabuti na lang at magtatapos na ang Kambal Karibal sa Friday, mababawasan ang pagkikita nila Miguel at Bianca. Makakapag-isip sila kung ano ang gagawin nila sa kanilang love team.

Sa rehearsal at live show ng Sunday Pinasaya na lang sila magkikita, pero carry na ‘yun. Puwede silang mag-iwasan gaya nang ginawa nila last Sunday.

Si Kyline Alcantara ang itinuturong isa sa mga rason nang panlalamig nina Bianca at Miguel, inagaw daw ni Kyline si Miguel kay Binca, bagay na itinatanggi ng kampo ni Kyline. Ang pagiging selosa raw ni Bianca ang nagtulak kay Miguel para layuan ang ka-love team.

Karakter ni Kris sa Hollywood movie kumpirmadong wala sa libro

This Wednesday, August 1, malalaman ni Kris Aquinokung mabibigyan siya ng medical clearance ng kanyang doctor at payagang lumipad for the States para makadalo sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians. Inatake kasi ng matinding allergy si Kris habang nagsu-shoot ng TVC sa Indonesia and she was given five days to rest.

Bukas ang last sa five days na ibinigay ng doctor na paggaling niya sa allergy, kaya malalaman natin kung makakadalo si Kris. Kahit hindi pa sure na makakadalo,nagpahanda ng three Filipiniana gowns kay Francis Libiran si Kris at may kinausap na rin na maging escort niya sa premiere night na naka-schedule sa Aug. 7, sa TCL Chinese Theater sa Hollywood Boulevard.

Nag-post si Kris ng eksena sa movie kung saan, suot niya ang yellow gown na gawa ni Michael Cinco. Kasama niya sa eksena si Constance Wu at nasa likod nila sina Michelle Yeoh at Gemma Chan.

Ginagampanan ni Kris ang role ni Princess Intan sa Crazy Rich Asians na wala sa libro ni Kevin Kwan. Sabi nito, idinagdag ni Kevin Kwan ang karakter niya sa movie adaptation ng libro.

Adrian pinahaba ang role kay Onay

Si Adrian Alandy ang kapareha ni Jo Berry sa Onanay at hindi lang basta kapareha, gaganap din siyang asawa nito at ama ng panganay na anak ni Onay (Jo). Sabi ni Adrian, hindi siya nagkaroon ng second thought na tanggapin ang role ni Elvin dahil maganda at importante ang kanyang role.

Masaya ring ibinalita ni Adrian na mas humaba ang role niya na dati ay special participation lang at mawawala agad.

Show comments