Kris inatake habang nagsu-shoot sa Indonesia

Kris

Dahil sa kanyang allergy, napauwi agad ng Pilipinas si Kris Aquino mula sa kanyang outdoor shoot sa Indonesia.

 

Ito ang kaagad niyang nilinaw sa kanyang Instagram post bago pa man daw magkaroon ng kung anupamang spekulasyon.

“Before any false speculation let it come from me- i had an anaphylactic reaction during my outdoor shoot yesterday afternoon that challenged all my environmental allergies in Indonesia, the EpiPen in my medical emergency kit helped save me...

“Many GUARDIAN ANGELS worked together to fly me home asap directly from Semarang. Pagbigyan nyo na po na di na mag detalye at MAGPASALAMAT lamang ng buong puso sa lahat ng tumulong para mauwi po ako,” ang bahagi ng caption ni Kris sa larawang ipinost kung saan ay makikitang may medical team na gumagamot sa kanya.

Ayon pa kay Kris, kailangan niya ng five days na pahinga kaya babalik na lang daw siya sa IG kapag magaling na siya.

Cristine naging tanungan ni Nathalie ng pagbubuntis

Kwento ni Nathalie Hart, habang ginagawa raw nila ang pelikulang The Bitch Wedding (Abay Babes), panay daw ang tanong niya sa co-star na si Cristine Reyes about pregnancy komo nga alam na niyang preggy na siya na ito namang isa ay walang kaalam-alam.

“Lagi akong pishing kay Cristine, kung paano siya nabuntis, ang dami kong tanong, lagi akong nagtatanong. ‘Ilang buwan ka nang nalaman mo na buntis ka?’ Siyempre, ‘yung mga questions ko, napaka-weird di ba?” pagkukuwento ni Nathalie.

Lahat na raw yata ng pwedeng itanong ay natanong na niya kay Cristine at feeling nga raw niya ay nagtaka rin ang aktres.

“Lagi rin akong nagtatanong sa anak niya kasi babae rin ang anak niya, eh babae rin ‘yung magiging anak ko.”

Pero hindi pa rin daw niya talaga inaaamin kay Cristine na preggy siya.

Bale ba, nagkaroon sila ng photo shoot na naka-swimsuit sila and that time, kita raw na may umbok ang tiyan niya.

Finally, one time ay napuna raw ni Cristine na malaki ang boobs niya kaya sabi raw nito sa kanya, “girl, ang laki ng boobs mo, it’s either nagpagawa ka or buntis ka.”

Nag-smile lang daw siya kay Cristine nang time na ‘yun.

When asked kung bakit na siya nagdesisyong aminin ang pregnancy, ani Nathalie ay hindi naman daw niya ito maitatago talaga.

“And I want everyone to know na buntis ako and it’s not a negative thing. Na it’s a positive thing. I’m proud of it. At saka, wala naman akong tinatapakang ibang tao,” she said.

Sa January ang due date ni Nathalie at ikakasal sila ng Indian fiancée sa Australia sa December.

 

 

Show comments