^

Pang Movies

Vice tinuldukan na ang ‘away’ sa asawa

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi natuloy ang pa-block screening ni Vice Ganda ng I Love You, Hater sa Trinoma dahil wala raw maibigay na schedule at puno ang cinemas kaya bumili na lamang ng maraming 7pm screening ticket si Vice.

 

Maalaalang noong nasa ABS-CBN pa si Kris, isa si Vice sa close sa kanya at dumating pa nga sa puntong “asawa ko” ang na­ging tawagan nila.

Tuluy-tuloy at sunud-sunod pa rin ang pa-block screening ng mga kaibigan ni Kris sa movie nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Bukas, may pa-block screening din ang showbiz couple na close kay Kris at ninang pa nga sila sa kasal ng mga ito at isa pang controversial personality ang nag-organize ng block screening.

Janine pinepersonal, rayver to the rescue 

Natatawa na lang kami sa mga nababasang comment ng bashers ng Victor Magtanggol dahil hindi na lang si Alden Richards ang puntirya nilang i-bash, pati ang mga kasama nito lalo na sina Janine Gutierrez at Andrea Torres.

Maging ang pagkabilang sa broken family ni Janine ay tinira na rin ng bashers kaya naman ipinagtanggol na ni Rayver Cruz ang kanyang girlfriend.

Malas daw ang birthmark ni Janine at magtataka ka kung saan galing ang hugot na ito ng basher? Malas ba ‘yung maganda na, marunong pang umarte at tapos ng college sa Ateneo?

Sa kaso ni Andrea, kung anu-anong isyu rin ang ipinupukol sa aktres dahil lang kasama siya sa Victor Magtanggol. Ang common denominator pa nga nila ni Janine, pareho silang may gusto kay Alden kaya hindi tinanggihan nang aluking mapasama sa cast ng teleserye.

Sa Juy 30, ang pilot ng Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras. Isa na ito sa pinakamalaking teleserye ng GMA 7 sa scope at sa cast.

Gary gusto nau ling sumayaw

Mapapanood sa July 28 episode ng Your Face Sounds Familiar si Gary Valenciano, his first TV appearance as a performer at hindi dahil ininterbyu siya dahil sa heart operation na ginawa sa kanya. Malakas na palakpakan ang sumalubong kay Gary nang tawagin siya sa stage ng host ng show na si Billy Crawford.

Sayang lang at maiksi ang video clip na pinost ni Ogie Alcasid, kaya hindi namin napanood kung kumanta ba si Gary. Parang gusto kasi nitong sumayaw nang tawagin ni Billy.

Maggi-guest din si Gary sa talk show ni Martin Nievera na LSS: The Martin Nievera Show na mapapanood sa ANC.

Regine at Robin nagkaayaan gumawa ng mala-‘you got mail’

Kinakiligan ng mga nakabasa ang conversation nina Robin Padilla at Regine Velasquez tungkol sa muling paggawa ng pelikula. Pinost kasi ni Regine ang eksena ni Meg Ryan sa You Got Mail na kanyang pinapanood at nag-comment ng “They don’t make movies like this anymore #youvegotmail.”

Sumagot si Robin ng “gawa tayo” at sinagot ni Regine ng “@robinpadilla sige ba.” Maiksing convo lang ‘yun, pero sapat na para kiligin ang netizens at para mabuhay ang fans nina Robin at Regine na nagustuhan ang tambalan nila sa mga pelikula ng Viva Films na Till I Met You at Kailangan Ko’y Ikaw.

Hindi naman siguro bibiguin ng Viva Films ang maraming fans na gustong muling mapanood sa pelikula sina Regine at Robin? 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with