Anne mas bagay na ‘Queen of all Media’
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

Noon pa man ay marami nang nagsasabing ang tipo ni Anne Curtis ang maaaring sumabak sa isang action movie kagaya ng Lara Croft na ang star ay ang Swedish actress na si Alicia Vikander. Noon ding sabihing hindi na magagawa ni Angel Locsin ang isang superhero role dahil sa kanyang naging karamdaman, si Anne din ang popular choice.

Matagal na rin naman palang iniisip ni Anne na gumawa ng isang action pic, kaso ang nangingibabaw ay iyong sinasabing ganda niya kaya inilalagay siya sa mga love stories. Kaya nga nang ialok sa kanya na gawin ang lead role sa BuyBust, na ipalalabas hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa American at Canadian theater circuits at posibleng ilabas din sa Europe, hindi na niya tinanggihan.

Mahirap ang naging role ni Anne at tumagal nang dalawang taon ang shooting ng nasabing pelikula. Kasi every now and then, kung may nakikita silang maaaring ikaganda ng pelikula, babaguhin nila ang una nilang nagawa. Kaya nga masasabing lumaki rin ang production cost ng pelikula, pero talagang ganoon dahil sa international theater circuits naman ang kanilang target. Ilalabas iyan sa mga sinehan sa abroad, hindi kagaya ng ibang pelikulang single screening lang para sa mga Pinoy na naroroon.

May mga nakasilip na rin sa kopya ng pelikula na nagsa­sabing siguro nga kung susundan pa iyan at gagawa ng isang pelikulang mala-Lara Croft, dapat si Anne talaga ang bida.

Pero teka, gusto lang naming itanong, bakit nga ba si Anne ay tinatawag na “Princess of All Media” eh wala namang “queen”? Siguro nga iniisip nila na bata pa naman kasi si Anne para tawaging queen, pero mas mabuti naman na kahit na bata pa ay tawagin na siyang queen, kaysa naman sa ang tawaging queen ay iyong laos na.

Sharon nangangamoy hopia kay Goma

Nakipag-usap na pala sa Star Cinema si Mayor Richard Gomez para sa isang pelikulang gagawin niya kung sakaling magkakasundo sila. Pero hindi maliwanag kung anong pelikula iyan, bagama’t sinasabing malakas ang “lobby” na pagtambalin silang dalawa ni Sharon Cuneta.

Hindi rin naman maikakaila na karamihan sa mga fans ni Mayor Goma  ay nagustuhan at sumuporta sa tambalan nila ni Dawn Zulueta, kaya nga nagkasunud-sunod ang serye nila noon.

Ang isa pang problema, makakasingit kaya sa schedule ni Mayor iyan? Kailangan niyang mai-maintain iyong sinasabi ngayong ang Ormoc ay “safest city in the Philippines”. Kailangan din niyang mapanatili ang ekonomiya ng lungsod, pati na ang pagbaba ng problema sa droga.

Maraming dapat bigyan ng considerations diyan. Puwede bang sa Ormoc ang shooting para hindi niya mapabayaan ang trabaho niya? Sanay kasi ang mga tao roon na hindi siya isang “absentee mayor”.

Direk nakahanap na ng bagets, iniwanan na ang 40 years old na pabebeng dyowa

Kaya pala iniwan na rin ni direk ang dati niyang boyfriend na former male star, aba eh kuwarenta anyos na raw “pabebe pa rin”. Malakas pa rin daw ang loob na magsabing “hindi naman ako pumapatol sa mga kagaya mo”. Pinalalabas pa raw utang na loob ni direk iyong pagbibigay ng sustento sa kanya at maging sa kanyang mga naging anak for twenty years.

Nakunsumi na rin si direk at iniwan na ang dati niyang boyfriend, after all ang balita ay may bagets na namang nakahandang pagsanglaan ni direk ng kanyang puso “at pitaka”.

 

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with