Biritan ng Aegis at ni Regine, gusto ring mapanood sa US
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - July 2, 2018 - 12:00am

Wow hindi na makapaghintay ang fans sa showdown ng Aegis at ni Regine Velasques-Alcasid para sa concert ng grupo na may title na Aegis #20ble Dekada. Special guest nila ang Songbird sa July 13, 2018 sa Araneta Coliseum.

Obviously ay nagdiriwang ang Aegis ng kanilang anniversary bilang pasasalamat na pagkalipas ng 20 years sa music scene ay tinatangkilik pa rin ang kanilang grupo.

Tiyak na magiging sulit ang panonood sa nasabing concert sa pagdagundong ng Araneta sa biritan nila ng songbird.

Excited na ang lahat sa collaboration nina Regine at Aegis na ngayon pa lang ay marami na ang nagre-request na dalhin ang concert sa U.S. at ibang panig ng mundo.

Walang gustong maka-miss sa pambihirang pagkakataon na mapanood ang performance ng mga idol ng masa sa walang sawang pagtangkilik sa mga hugot na kanta ng Aegis na tiyak na magiging malupit ang kanilang kantahan kasama ang nag-iisang songbird na si Regine.

Worry lang ang mga fans na huwag atakihin si Regine ng acid reflux sa pataasang biritan nila ng Aegis sa nalalapit nilang concert.

AEGIS REGINE VELASQUES-ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with