Babad sa Tagaytay Kathryn at Daniel hindi na umuuwi ng bahay!

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Kahapon nag-alisan ang karamihan ng mga kasama sa ASAP Hawaii, pero sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay nasa Tagaytay City pa pala at nagsu-shooting ng The Hows of Us movie under Star Cinema.

Wala raw uwian ang KathNiel love team at ang mga kasama sa shooting sa Tagaytay City, kaya kahapon, dumalaw na lang doon ang nanay ni Kathryn, si Mommy Min (na mukhang malaki naman ang tiwala kay Daniel dahil hindi na siya masyadong nagbabantay sa anak - busy rin pala siya bilang ito ang personal na nag-aasikaso sa business nila na Kathnails na may ilang branches na rin).

Hanggang mamayang late night pa raw ang shooting nila roon at bukas naman sila aalis pa-Honolulu, Hawaii para nga sa ASAP show roon on June 30.

Pagkatapos daw ng ASAP Hawaii nila na ang TFC (The Filipino Channel) ang nag-aasikaso, babalik sila ng bansa at pupunta na rin sa Netherlands para naman kunan ang ibang mga eksena roon ng The Hows of Us.

Two weeks daw ang shooting nila sa Europe at pupunta naman sila sa Thailand after para personal na tanggapin ang isang international award sa nasabing bansa.

Alice seryoso ang relasyon sa GM ng hotel

General Manager pala ang position sa isang bonggang hotel sa Boracay island ang boyfriend ngayon ni Alice Dixson.

Actually, pinaghahandaan na raw ni Alice at ng kanyang mga kaibigan ang pagpunta sa lugar na ‘yon once na buksan na uli ‘yon sa public.

Ang tsika, seryoso ang relasyon ni Alice at ng kanyang boyfriend.

Long time boyfriend” na raw ni Alice ang French-speaking guy na ‘yon (hindi lang sure ang source ko kung Belgian ang BF ng aktres) at dati palang based ‘yon sa Dubai.

Mauwi kaya sa marriage ang relasyon ng dalawa kahit na ‘yung unang marriage ni Alice ay nauwi sa hiwalayan?

In fairness nga pala kay Alice, maalaga siya sa kanyang sarili, kaya bukod sa napapanatili niya ang kanyang kaseksihan ay mukhang bata rin siya kumpara sa tunay niyang edad.

Samantala, abala pa rin si Alice sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay mukhang hanggang sa ending na ng action series na ‘yon ni Coco Martin tatagal ang kanyang role.

Aubrey naaliw na namang magluto

Mukhang nahihilig na naman sa pagluluto si Aubrey Miles.

Kuwento ng wife ni Troy Montero na very sexy pa rin hanggang ngayon, noong nakatira pa raw siya sa California ay mahilig talaga siyang magluto at natigil lang ‘yon nang mag-artista na siya rito sa Pilipinas.

Kahapon, nag-try siyang magluto uli, pero steam vegetables lang na may bagoong at kalamansi ang ginawa niya.

Sabi niya, marami raw siyang mga gustong kainin na siya mismo ang magluluto.

Siyempre, ang mister at dalawang anak niya ang gustong ipagluto ni Aubrey.

Show comments