^

Pang Movies

Joshua lumalaki na raw ang ulo?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Joshua lumalaki na raw ang ulo?!
Joshua Garcia

“I love you haters.” Iyan lang ang naging reaction ni Joshua Garcia sa mga nagsasabing lumaki na raw ang ulo niya. May mga nagsabi kasing nagpi-feeling sikat na raw talaga ito, pero binale-wala na lamang ng aktor.

Samantala, hindi na talaga nila maikakaila ni Julia Barretto ang namumuo nilang pag-iibigan, halatang halata naman na at hindi na kailangang tanungin pa. Halos hindi na nga sila mapaghiwalay sa presscon kamakailan lang ng pelikula nilang I Love You Haters with Kris Aquino.

Nang tanungin sila kung sila na ba, “We’ll answer that at the right time” mabilis agad na sagot ni Joshua.

Well, action speaks louder than words.

Nakatakda nang ipalabas in theaters nationwide ang pelikulang handog ng Star Cinema at mula sa direksyon ni Giselle Andres, I Love You Haters sa July 11 na.

Jodi kumpirmadong broken-hearted

Dalawa lang raw ang batayan Salve A., kapag ang babae ay broken-hearted, it’s either nangayayat o nagpaputol ng buhok.

Nitong mga nakaraan ay maraming nakapuna ng pangangayayat ni Jodi Sta. Maria, pati na rin ang pag-iksi ng kanyang buhok.

Dala nga kaya ito ng break up nila ni Jolo Revilla?

Robin nadismaya sa pagtanggi ni Daniel na maging action star

Na-disappoint daw si Robin Padilla sa kanyang pamangkin na si Daniel Padilla nang tanggihan nito ang offer niyang sumama sa gagawin nilang pelikulang tungkol sa Marawi, kung saan ididirek ni Joyce Bernal at ipo-produce naman ni Piolo Pascual.

Gusto raw kasi ni Robin na maging action star din si Daniel katulad niya, pero mukhang busy pa ang kanyang pamangkin sa paggawa ng iba pang pelikula, kasalukuyan kasing ginagawa niya ngayon ang pelikula nilang The Hows Of Us ni Kathryn Bernardo na idinidirek naman ni Cathy Garcia-Molina.

Samantala, si Direk Cathy din ang nakatakdang magdirek ng gagawing pelikula ni Sharon Cuneta for Star Cinema pagkatapos ng blockbuster movie nilang Unexpectedly Yours kasama si Robin Padilla.

Hindi pa rin daw tiyak kung sino ang magiging leading man ni Sharon pero si Ian Veneracion daw ang napipisil nila. Malabo na kasing mapunta talaga kay Gabby Concepcion ang nasabing role.

In fairness kay Sharon, nabawasan ang kanyang timbang at bumabalik na siya sa dati niyang kaseksihan.

Free medical mission para sa Manileños, gagawing twice a week

Kay direk Arnel Natividad pala na nagdidirek ng Tonight With Boy Abunda, Your Voice Sounds Familiar at I Can See Your Voice, itinoka ang pamamahala ng Miss Manila 2018 Coronation Night na gaganapin sa June 26 sa reception hall ng Philippine International Convention Center (PICC) Manila.

Ginanap ang nasabing kumpetisyon bilang pagdiri­wang ng 447th Araw ng Maynila na iho-host nina Xian Lim at Yassi Pressman.

36 na naggagandahang mga dilag ang maglalaban laban para sa titulong Miss Manila at mag-uuwi ng 1 million pesos. Yes, 1 million pesos.

Si Jackie Ejercito na anak na panganay ni Mayor Joseph Ejercito Estrada ang in-charge dito, pinamumunuan niya ang MARE Foundation na nagsimula sa kanyang ina na si Former Senator Loi Ejercito, nagsasagawa sila rito ng free medical missions tuwing Thursday kada linggo sa iba’t ibang parte ng Manila.

Layunin daw ni Jackie at ng iba pang kasamahan niya sa MARE na gawin nang twice a week ang medical mission, kaya sana raw malaki ang kitain nila ngayong taon mula sa mga sponsors nilang sumusuporta sa kanilang adhikain.

Nag-ooffer din daw sila ng free dialysis para sa mga Manileños.

Samantala, Ipapalabas on-air ang Miss Manila 2018 Coronation Night under Viva Live sa ABS-CBN sa July 1, Sunday pagkatapos ng Gandang Gabi, Vice.

Personal…

Happy Birthday to our good friend and fellow entertainment writer, Nestor, who turns a year older today.

Nestor also teaches communication arts at UST.

My birthday greetings too, to my sister, Nel Alejandrino, whose birthday naman is June 26.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with