^

Pang Movies

Bong napahamak sa lumang selfie!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Aywan kung bakit lumalabas na napakala­king issue iyong pagkaka-post ni dating senador Bong Revilla ng kanyang sentimiyento habang ginugunita niya ang apat na taon ng kanyang pagkakakulong sa Crame.

Nag-post siya ng selfie at kasabay noon ay nasabi nga niya ang kanyang nasa loob.

Dahil sinabi ngang hindi tama na nakapaglalabas siya nang ganoon dahil bawal ang mga cellphone at maski na nga internet o anumang means of communications sa mga detainee, mabilis na sumagot naman ang kanyang asawang si Mayor Lani Mercado na walang cellphone si Bong.

Iba naman ang lumalabas noong magkaroon ng on the spot inspection sa detention cell ni Bong sa Camp Crame dahil nakuha nila mula sa kanya ang isang cellphone na “supposed to be” ay siya niyang nagamit para gawin ang post na iyon sa social media. Pero talaga bang napakalaking issue noon?

Sabihin na nating mali, at talagang bawal iyong may hawak na communications gadget ang isang detainee, pero si­guro out of that ang ginawa lang naman ni Bong ay nag-post sa social media. Hindi naman kagaya noong mga detainee sa Muntinlupa na may cellphones din at ginagamit nila iyon para maipagpatuloy ang negosyo nila ng droga at jueteng. Nasa loob na, nakakakuha rin naman ng gadget, itinutuloy pa ang illegal nilang trabaho. May signal jammer na sila sa Munti, pero napapatay maski ang mga signal jammers nila. Kung iyon ngang masamang trabaho hindi nila mapigil eh, bakit naman parang masyadong malaking issue ang pagkaka-post ni Bong sa social media?

Si Bong, sa kanyang post ay nagpahayag na naniniwala siyang darating sa kanya ang hustisya kahit na apat na taon na siyang nakakulong. Ibig sabihin sinasabi ng dating senador na may tiwala pa rin siya sa ating justice system. Hindi ba maganda iyon? Ang masama iyong mga nananawagan na kundenahin at huwag paniwalaan ang justice system. Mas masama iyong nagsasabing huwag magtiwala sa gobyerno. Sedition iyon. Pero iyong naniniwala sa sistema, ano ang masama sa sinabing iyon?

Angel parang? Darna? ang pinaghahandaan?

Akala ba namin kaya nagka-delay-delay iyang Darna ay dahil naghintay noon kay Angel Locsin, tapos sabi nila hindi na niya puwedeng gawin dahil sa naging sakit niya sa likod, at kahit na naoperahan na siya, hindi pa rin siya dapat gumawa ng action. Kaya nga ibinigay na nila ang project kay Liza Soberano na hanggang ngayon naman hindi pa rin alam kung kailan magsisimula.

Tapos ngayon makikita mo si Angel na nagsasanay sa mga action routine para sa isang gagawing teleserye. Ano iyon pinagbawalan sa action tapos ngayon action din ang gagawin? Papaano na ang naging sakit niya, at iyong ginawang operasyon sa kanya?

Dalawang bagay iyan. Kung hindi kakikitaan si Angel ng kagaya ng mga ginawa niyang action noong araw, sasabihin ng mga tao malabnaw iyan. Kung sasabak naman siya sa totohanang action, aba eh inilalagay niya ang katawan niya sa peligro.

Female star na feeling dugong bughaw, walang alam sa kayabangan

Sabi ng isa naming kaibigan, isa lamang daw description ang magagamit sa style ng isang female star sa ngayon. Siya ay may “illusions of grandeur”. Ang ibig sabihin niyan ay iyong ang palagay niya sa kanyang sarili ay napaka-sosyal, siya ay halos isang “royalty”, iyon bang kabilang siya sa tinatawag na “dugong bughaw”. Pero ganoon nga ba ang dating noon sa publiko?

Ang dating sa publiko, kayabangan.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with