Jessy at Luis
Jessy at Luis, sa abroad magpapakasal
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 24, 2018 - 12:00am

Fresh from their trip to Paris ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola at binabalak daw ng dalawa na sa abroad magpakasal.

Matatandaang sa abroad din nagpakasal ang mga magulang ni Luis na sina Vilma Santos at Edu Manzano habang ginagawa ang pelikulang Romansa noon.

Pagkatapos mag-divorce ng dalawa, si Ate Vi ay nagpakasal kay Senator Ralph Recto, at si Edu naman ay nagpakasal kay Maricel Soriano.

Bayani hirap patawanin si Richard

Sa game show ni Luis Manzano na I Can See Your Voice na umeere every Saturday and Sunday, sinabi ni Bayani Agbayani na hindi raw pala siya dapat kabilang sa singvestigators ngayon na kinabibilangan nina Wacky Kiray, Kean Cipriano, Alex Gonzaga, Angeline Quinto at Andrew E., pero masaya pa rin daw siya dahil kasama na siya ngayon sa grupo nila. Naka 75 episodes na raw sila at still counting, ha?

Napapanood din si Bayani sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na tinatampukan nina Robin Padilla, Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Weekly naman ay kasama siya ni Karla Estrada sa sitcom na Funny Ka Pare Ko na ayon sa kanya ay magkakaroon pa raw ng maraming up-coming comedy stars ng Kapamilya.

Nakatanggap na rin ng dalawang parangal si Bayani bilang Best Comedy Actor, pero alam niyo ba kung ano ang biggest frustration ni Bayani bilang isang komedyante?

Simula raw ng makasama niya si Richard Yap sa serye nito, never pa raw niya itong nakitang natawa sa mga ibinabato niyang jokes, mapa-on cam man o off cam kahit anong effort niya.

 “Yup,” ani Bayani. “Well, I feel challenged. Sa totoo lang.”

Valeen may chance ma-in love kay Jerald

Hindi pa rin daw makapaniwala ang nanay ni Jerald Napoles na ang anak niya ay isa nang leading man. Isasama ni Jerald ang kanyang nanay sa premiere ng kanyang first lead role movie sa June 25 sa Robinson’s Galleria, titled The Write Moment with Valeen Montenegro at idinirek ni Dominic Lim.

Isang theater actor itong si Jerald na kasalukuyan nang mapapanood sa TV bilang komedyante.

Ang pelikula raw niyang The Write Moment ay isang entry noong nakaraang taon sa QC International Film Festival, nakakuha ito ng magandang reviews kaya ang producers na sina Jun Lana at Perci Intalan ng IdeaFirst Company ay hindi na nagdalawang isip na i-present ito sa Viva Films. Ang CMB Films na ang nag-decide na mag-release nito.

Mapapanood na ang The Write Moment in thea­ters nationwide sa June 27.

Samantala, nang tanungin naman si Valeen sa presscon ng The Write… kung posible ba na magkagustuhan sila ni Jerald, ang kanyang mabilis na sagot ay “Why not?”.

Na-engaged na pala dati itong si Jerald sa isang French model, habang si Valeen naman ay may boyfriend for seven years na isang strength and conditioning trainer, named Seku Lozano.

Anak si Valeen ni Honeylet Montenegro-Vicente, isang former beauty queen. Ang kanya namang lolo at lola ay pawang mga sikat na aktor at aktres din noon, ito ay sina late Mario Montenegro at Letty Alonzo.

Ayon kay Valeen, ang kanyang Lola Letty ay buhay pa at nagpapahinga na lang sa bahay.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with