^
Kahit narasan na Jackie 50/50 sa divorce bill
Jackie at Erap

Kahit narasan na Jackie 50/50 sa divorce bill

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 22, 2018 - 12:00am

Annulled na pala si Ms. Jackie Ejercito sa kanyang former husband na si Beaver Lopez. Recently lang na-grant ang annulment niya for the church wedding pero hindi pa lumalabas ang result para sa kanilang civil wedding.

Open na si Ms. Jackie na pag-usapan ang nasabing issue.

Pero hindi pa rin siya totally agree sa divorce bill na pinu-push sa Congress. Ayon kay Ms. Jackie 50/50 ang stand niya dahil sa pagiging devoted catholic.

Everyday nagsisimba si Ms. Jackie na siyang pumipigil para paboran niya na gawing legal ang diborsyo sa bansa.

Nakatsika namin sandali ang favorite daughter ni Mayor Erap sa launching ng Miss Manila 2018 two days ago na ginanap sa Manila City Hall. Siya ang pageant director at chair person ng MARE Foundation na beneficiary ng Miss Manila na five years nang ginaganap bilang part ng celebration ng Araw ng Maynila.

Luis at Jessy chill chill sa Europe

Sexy na talaga si Jessy Mendiola at hindi na siya puwedeng pintasan na parang pata ang legs.

Sa latest posts sa kanyang Instagram account kung saan sila nasa bakas-yon ng boyfriend na si Luis Manzano sa Europe, nauna nilang pinuntahan ang France at ngayon ay nasa Italy sila, maliit na ang katawan ni Jessy. Kita na ang pinaghirapan niya sa gym.

Katakut-takot na pamba-bash ang inabot niya sa tuwing maga-upload --ng photos dahil pinagbibintangang filtered ‘yun.

Aegis sasamahan nila Anne, Vice sa Araneta 

Kasama ng phenomenal 90s band na Aegis sa tugtugan sina Anne Curtis, Jericho Rosales, Karla Estrada, Jett Pangan, at Vice Ganda sa pagdiriwang nito ng ika-20 taon sa industriya ng musika sa isang malaking concert na pinamagatang AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo sa Hulyo 13 sa Araneta Coliseum.

“Ito na ang pinakamalaki naming challenge sa loob ng 20 years, ang magperform sa Araneta. Dati kasi guests lang kami sa mga concerts,” saad ng vocalist na si Julet Sunot.”Masaya kami na mag-perform kasama ang mga guests naming kaibigan sa industriya,” paglalahad pa ni Juliet.

Binubuo ng vocalists na sina Juliet Sonot, Mercy Sunot-Borjal, Kris Sunot, keyboardist na si Stella Maries Galindo-Pabico, drummer na si Vilma Goloviogo, bassist na si Rowena “Weng” Pinpin-Adriano, at guitarist na si Rey Abenoja, ang banda.

Si Frank Lloyd Mamaril ang magdidirehe ng show mula sa ABS-CBN Events production.

AEGIS DIVORCE ERAP JACKIE EJERCITO JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with