^

Pang Movies

Joshua and Julia iba ang sinasabi sa ginagawa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Joshua and Julia iba ang sinasabi sa ginagawa
Joshua, Julia, Kris & Giselle

Wow Salve A., panoorin natin itong pelikulang maituturing na pang-millenial nitong 34 year old na si Giselle Andres.

Magaganda naman ang credentials niya, more than 10 years na siya sa industriya at nakatrabaho na rin si late award-winning director na si Marilou Diaz Abaya bilang production designer.

Naging assistant din siya ni box-office director Olive Lamasan na managing director na ngayon ng Star Cinema.

In between, naging writer at nagdidirek din si Direk Giselle sa TV, isa na rito ang drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) na mahigit 20 years nang umeere. Ang host nito ay ang retired ABS-CBN president at CEO na si Ms. Charo Santos.

Achievement daw para kay Direk Giselle ang maidirek ang isa sa pelikulang handog ng Star Cinema bilang selebrasyon ng kanilang ika-25th anniversary, titled I Love You Hater na nagsisilbing comeback ni Kris.

Ang huling pelikula ni Kris ay All You Need Is Pag-ibig, entry ito ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF), kasama niya rito sina Kim ChiuXian LimJodi Sta. MariaDerek Ramsey  at ang anak na si Bimby Yap.

Sa July 11 na ipapalabas ang I Love You Hater sa iba’t ibang sinehan nationwide, tampok ang tambalang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto plus Ronaldo Valdez at Mark Newman.

Hindi raw ang I Love You, Hater ang una niyang nagawa bilang isang direktor, naidirek na rin daw niya ang pelikulang Loving in Tandem nina Maymay Entrata, Edward Barber, Marco Gallo at Kisses Delavin.

Nang aming tanungin si Direk Giselle kung bakit ‘di na lang siya nag-artista, eh maganda naman siya?

Ito lang ang naging sagot niya, “Wala hong nag-offer.”

Itong si Joshua Garcia, ewan kung bakit ayaw pang aminin na more than friends na sila ni Julia Barretto na isa ring tikom ang bibig tungkol sa kung gaano na katindi ang relasyon nilang dalawa.

Eh, sa katatapos lang na presscon ng I Love You Hater, halos magsumiksik si Joshua kay Julia. Panay rin ang haplos ng kamay niya kay Julia na parang bale-wala lang sa dalaga ni Marjorie Barretto.

But, in fairness kay Joshua, nagpakalalaki siya para harapin ang tatay ni Julia na si Dennis Padilla tungkol sa malinis na intensyon nito sa dalaga. 

Pang-apat na pelikula na ito ng JoshLia si­mula ng maipareha sila sa pelikulang Vince and Kath and JamesLove You To The Stars and Back at Unexpectedly Yours.

Mapapanood sina Joshua at Julia sa Sunday noontime show sa ABS-CBN na ASAP para sa presentation nila sa Honolulu, Hawaii.

Samantala, si Kris naman, halatang nami-miss niya na ang hosting na binanggit niya during the presscon ang movie nila.

Ang palabas niyang Kris TV ay inookupa na ngayon ng Magandang Buhay nina Karla EstradaMelai Cantiveros at Jolina Magda­ngal bilang mga host. 

vuukle comment

GISELLE ANDRES

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with