Elizabeth at Azenith, hindi nagpasulsol

Elizabeth Oropesa at Azenith Briones

All is well, that ends well. Yan ang motto nina Azenith Briones at Elizabeth Oropesa matapos nilang kamuntikanang magkasolian ng kandila.

Nagkaroon sila ng away dahil sa isang alahas na may value na ipinabebenta ni Elizabeth kay Azenith. Si Azenith ngayon ay isang rich alahera. Pero nagbago yata ang isip ni Eli na huwag nang ibenta. Kaya lang, si Beth na ang kumuha sa pinaglagyan na di alam ni Azenith. At tila yata nasangkot pa ang pangalan ng isang politician-actor. So, nag away sila palitan ng maaanghang na salita. Pero thank you God, tapos na po ang sigalot. 

Nag ayos ang dalawa at humingi ng tawad si Elizabeth kay Azenith. Inamin niya ang kasalanan at bugso ng damdamin. Hindi tama ang ginawa niyang pagkuha ng alahas sa bag ni Azenith eh, pero sino naman daw si Azenith para di magpatawad, hindi naman siya pusong bato. Kung si Lord nagpapatawad, siya pa raw ba na tao lang. Praised The Lord! Salamat Po! Pati ako na stress sa nangyari! Bagay sa inyong dalawa kurutin sa singit! Umayos kayo mga hitad! Hoping na wag na maulit ang ganyan! Alam ng Diyos kung gaano kayo kalapit sa puso ko. 

Anyways, Happy na ako at maayos na ang lahat sa dalawa. Thank You Lord!

 Jean nasa Ang Probinsyano na rin

Napakaganda pa rin ni Jean Saburit. Kasama na siya sa FPJ’s Ang Probinsiyano sa ABS-CBN. Slight lang ang make up, pero siya ang tipo ng babaeng paulit ulit mong lilingunin pag nasalubong mo. 

May unica-hija siya na ang pangalan ay Nicole Anderson, na anak niya sa isang Swedish Nationality. She is 27 years old, tapos ng International Business Marketing sa National University of San Francisco. Very proud si Jean sa kanyang anak na si Nicole na napakaganda at take note, pang beauty queen ang kanyang aura sapagkat napakaganda ng kanyang height. Pero, bilang ina, suporta lang daw siya sa kanyang anak kung ano man ang gusto nitong tahakin sa buhay.

Liz Alindogan napagtapos na ang anim na anak 

Shocked din ako kay Liz Alindogan. Isa pang dating sikat na aktres. Napakaganda at slim, flawless, seksi pa rin talaga. 

Naging maganda rin ang buhay niya at anim ang naging anak nilang mag asawa. Take note, puro degree holder ang mga anak kaya sitting pretty siya. Ang mga anak nila ay sina Paulo (Nurse) at college professor at seccessful businessman. Cristeene (Masscom Graduate), direktor-Editor & Film maker. Beatris Kho (Medicine Graduate) at may dalawa pa. Galing diba! The father was the late action star Jess Lapid.

 Make up artist noon may sariling Japanese resto na

Another Succesful showbiz worker ay si Zeny Poe, make up artist noon na napangasawa naman ng yumaong Conrad Poe, kapatid ng yumaong Fer­nando Poe Jr. click na click ang kanyang Japanesse restaurant na Okiiniriino.

My favorite restaurant na five years ng nag o-operate sa Aguire Ave. BF Homes. Ang mga Chef ay sina Rafael at Anna mga ka-anak nila ni Conrad. Dahil daw sa nasabing Resto, nakabili siya ng napakalaking property sa Nuvali Sta. Rosa. Oh, galing diba? Clap clap clap! Arigato sa napakasarap na pagkain.

Show comments