Baron
Baron balik shooting kasama ang recovery coach!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

Nasa Cebu pa rin si Baron Geisler kung saan ay nag-a-undergo siya ng rehabilitation dahil sa addiction niya sa alak.

Nang kumustahin ko noong isang araw si Baron, sinabi niyang hanggang sa August pa tatagal ang kanyang rehabilitation, pero sinabing may gagawin na siyang movie project.

Okey lang naman daw na aalis siya sa nasabing rehabilitation facility dahil sasama naman ang kanyang recovery coach habang nagsu-shooting.

“Things are getting better a day at a time. Some good, some sad days,” sabi niya tungkol sa kanyang pagpapa-rehab sa Cebu. “Difficult at times, pero kinakaya. Learning. Processing emotions without subtance (alak).”

Bukod sa movie project na gagawin, may offer din daw siya to do a TV series at may gagawin din daw siyang docu about his recovery.

Sabi pa ni Baron, “Funds medyo low sobra. Waaaaah. Easy does it, a day at a time. At least I get to go out sometimes.”

Pero positive rin si Baron na matatapos niya ang kanyang pagpapa-rehab sa Cebu dahil sinabing, “I’ll see you guys when I graduate!”

Well, mukhang inspirado naman ang aktor na gumaling talaga dahil naka­suporta ang kanyang pamilya sa ginagawa niyang pagpapa-galing.

Marami rin ang umaasang tuluyang gagaling si Baron sa kanyang addiction sa alak dahil magaling din siyang aktor at sana nga raw ay mabigyan talaga siya ng another chance tulad ni JM!

Ciara at Danica gagala kasama ang K-pop heartthrobs 

Ang imbitasyon ng mga taga-tvN Asia para sa exclusive first look sa season 2 ng One Night Food Trip: International Edition starring K-pop heartthrobs Nichkhun of 2PM and former U-Kiss member Xander Lee, kasama sina Danica Sotto-Pingris at Ciara Sotto-Oconer sa isang press conference na mangyayari sa June 22.

Sabi sa imbitasyon, “Following the format of the popular Korean food contest of the same name, One Night Food Trip: International Edition returns to the Philippines featuring new Korean and local stars on another 48-hour gourmet frenzy with a simple mission: EAT, PLAY, and COMPETE!

“This new season, our four contenders will travel as pairs across the country to complete as many challenges as possible involving local delicacies and attractions to earn the coveted Golden Passport.

“Join us for a sneak peek of One Night Food Trip: International Edition 2 at the upcoming press conference.”

Aba, tiyak na maraming matutuwa (at maiinggit din) kina Danica at Ciara dahil makakasama nila ang dalawang Korean celebrities sa project na ito, huh!

Martin walang kapaguran sa biyahe

Umalis naman kahapon pa-Dubai, United Arab Emirates si Martin Nievera para sa event doon bukas ng TFC (The Filipino Channel).

Mula Dubai, lilipat siya kaagad pa-Bahrain para sa TFC event naman doon on Saturday. Walang kapaguran sa biyahe si Martin dahil aalis din siya sa end of the month pa-Hawaii naman dahil may ASAP doon on June 30.

Mula July 5-7 naman ay may six shows siya sa Blue Note sa Hawaii rin!

Nakakapagod ang sked ni Martin ha.

BARON GEISLER
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with